Home Entertainment Nakaalitan umano ni Zeinab Harake sa isang bar sa QC pinangalanan na!

Nakaalitan umano ni Zeinab Harake sa isang bar sa QC pinangalanan na!

Nakilala na ang babaeng tinutukoy na sinipa diumano ni Zeinab Harake sa isang bar sa Tomas Morato sa Quezon City.

Kahapon nga ay naging maingay ang balita na may nakaalitan umano ang sikat na vlogger sa isang bar. Kung saan namataan din siyang may kasamang pulis at abogado.

Ayon sa ilang nakasaksi ay tinadyakan umano ni Zeinab ang isang babae na bagong nobya daw ng dati niyang partner na si Skusta Clee.

Base din sa mga komento ng netizens kinilalang ang babae na nakaaway ni Zeinab na si Aira Mae Lipata.

Si Lipata ay isang Muay Thai player at talent ng TV5, kaibigan din siya ng internet personality na si Kate Lim.

Sa post nga ni Lim na ngayon ay burado na, sinabi nito na pinagtulungan daw ni Zeinab. At mga kaibigan niya si Lipata.

Aminado si Lim na may pagkakamali din si Lipata sa sitwasyon pero hindi umano tamang pagtulungan ang kanyang kaibigan.

Ayaw umano niyang sumawsaw sa isyu dahil parehas niyang kaibigan ang sangkot. Ngunit hindi pa rin tama na kuyugin na lang nila Zeinab si Lipata.

Sa kanya namang IG stories, sinabi ni Zeinab na wala siyang sinipa at itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na statement ang magkabilang kampo hinggil sa isyung ito.