Home Entertainment Valentine Rosales inalmahan ang paninipa diumano ni Zeinab Harake sa kanyang kaibigan

Valentine Rosales inalmahan ang paninipa diumano ni Zeinab Harake sa kanyang kaibigan

Nag-react si Valentine Rosales sa balitang sin4ktan umano ni Zeinab Harake ang kanyang kaibigan na si Aira Mae Lipata.

Sa kanyang Facebook post, tinawag na ‘Zeinab Karate’ ni Valentine ang controversial vlogger. Dahil diumano sa isang insidente na nangyari sa isang club.

Matatandaan na trending topic ngayon sa social media ang paninipa diumano ni Zeinab kay Lipata. Na napapabalitang bagong kasintahan ngayon ng ex-partner niyang si Skusta Clee.

Ani Valentine sa kanyang post, “Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko.”

Hindi man pinangalanan ni Valentine ang tinutukoy niyang kaibigan ay alam naman na ng publiko kung sino ito.

Dahil si Lipata lang naman ang nauugnay na pangalan ngayon sa sipaan isyu ni Zeinab sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Ilang kakilala naman ni Valentine ang ipinagtanggol si Zeinab at sinabi na huwag itong mangialam. Nakikisawsaw lang umano siya sa isyu na ngayon nga ay mainit na usapin online.

Samantala, wala pang sagot si Zeinab sa patutsadang ito sa kanya ni Valentine.