Home Entertainment Agot, nagpayo kay Ella na ‘Next time, puede tayong sumagot ng ‘No...

Agot, nagpayo kay Ella na ‘Next time, puede tayong sumagot ng ‘No comment’

Nagtungo si Agot Isidro sa Twitter at sinabi kay Ella Cruz na mahal niya ito at sweet person ito sa totoong buhay.

“Ella, I love you and you’re the sweetest. (serious ako. she really is.),” tweet ni Agot sa kanyang post.

Pagkatapos ay pinayuhan rin niya ang young aktres na sa susunod, puwede siyang sumagot ng “No comment” na lamang.

“Next time, puede tayong sumagot ng, ‘No comment,’” aniya pa.

Inulit muli ni Agot na mahal niya si Ella, “Again, mahal kita.”

Ang tweet ni Agot ay kasunod ng viral statement ni Ella kung saan ay sinabi niya na, “history is like chismis.”

Maraming celebrities ang pumuna at nagbahagi ng mga opinion sa social media katulad ni Gretchen Ho.

“History’s narrative, while subject to the perspective of the author, must be written based on facts, and not opinion,” retweet ng Filipino television presenter.

Pati na rin ang Filipino public historian na si Ambeth Ocampo ay nagbigay rin ng komento sa aktres,
“Don’t confuse History and chismis. History may have bias but it is based on fact and opinion. Real History is about Truth not lies, not fiction,” anito.

Naging mainit na paksa sa social media ang aktres matapos ang isang kontrobersyal nitong pahayag na inihalintulad ang kasaysayan sa “chismis.”

Gagampanan ni Ella ang papel ni Irene Marcos sa “Maid in Malacanang” ni Darryl Yap; isang pelikulang naglalayong ipakita ang nangyari sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacanang noong 1986.

“History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” Sabi ni Ella.

“Kasi struggling na eh, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there (was) so much pressure on their side during those times?”