Home Entertainment Ivana Alawi sinagot ang katanungang dapat bang matakot sa kanya si Julia...

Ivana Alawi sinagot ang katanungang dapat bang matakot sa kanya si Julia Barretto

Sinagot ni Ivana Alawi ang katanungan na kung dapat nga bang matakot sa kanya si Julia Barretto.

Sa YouTube vlog na ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, si Ivana ang kanyang naging guest. Isa sa kanilang pinag-usapan ay ang tungkol sa bagong teleserye nito na “A Family Affair”.

Pinagbibidahan ni Ivana ang naturang serye kasama sina Sam Milby, Gerald Anderson, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Nabanggit nga ni Dra. Vicki Belo ang isa sa kanyang leading men na si Gerald at pabirong tinanong ang dalaga kung dapat na bang kabahan ang girlfriend nitong si Julia Barretto.

Maraming netizen kasi ang kinakabahan dahil sa posibilidad na mahumaling si Gerald kay Ivana. “So dapat na bang matakot si Julia?” tanong ni Dra. Vicki.

“I think it’s very important they they know na nirerespeto ko ‘yung tao, nirerespeto ko ‘yung relationship niya. And I wouldn’t want something to happen to me na, kunwari, I believe kung anong gawin mo sa iba, mangyayari ‘din sa’yo,” sagot ni Ivana.

“You’ll never see me steal anyone from anyone. Never,” diin pa ng actress-vlogger.

Sang-ayon naman ni Dra. Vicki, “I don’t think… Ivana is really not the type. I think she looks lang very s3xy and hot.”

Kaya naman dapat na raw makampante si Julia na kailanman ay hindi aagawin ni Ivana ang nobyo nito sa kanya.