Home Entertainment AJ Raval pinabulaanan ang kumakalat na balita na siya ay buntis sa...

AJ Raval pinabulaanan ang kumakalat na balita na siya ay buntis sa panganay nila ni Aljur Abrenica

Mariing itinanggi ng s3xy actress na si AJ Raval ang balitang ipinagbubuntis niya ang panganay nila ni Aljur Abrenica.

Matapos nga ang ilang araw na pagiging laman ng balita, at chikahan ng mga “Marites”. Nagsalita na si AJ ukol sa isyung siya ay buntis.

Speaking of Marites, nanguna na nga si Senyora, isang sikat na Facebook page na hango sa karakter ng sikat na Mexican teleseryeng “Marimar”.

Ibinahagi ni Senyora ang screenshot ng ipinadala niyang mensahe sa Instagram account ni AJ. At diretsahan niyang tinanong ang aktres kung totoo nga bang buntis ito.

Agad namang sumagot ang sexy actres at itinanggi ang isyu kaugnay ng kanyang pagbubuntis.

“OMG. Grabe na showbiz. Not true,” sey ni AJ.

Ibinahagi naman ito ni Senyora sa kanyang Facebook page para na rin ma-inform ang mga netizens na wala ngang katotohanan ang chismis.

Matapos naman nito, nagpost si AJ ng kanyang mga larawan sa Instagram. Na nagpapakita na flat ang kanyang tummy.

Bukod sa larawan, nagsagawa ng Facebook Live ang s3xy actress upang ipakita ang kaniyang flat tummy.

Ipinakita ni AJ ang kaniyang suot na pantulog at pinabakat ang kaniyang hourglass figure, upang pabulaanan ang mga kumakalat na tsismis.

Bago si AJ, pinabulaanan na rin ng kaniyang talent manager na si Jojo Veloso ang balitang buntis nga ang aktres.