Home Entertainment Isang Ganap na Napakagandang Dalaga na si Zhen-zhen ang Bunsong Anak na...

Isang Ganap na Napakagandang Dalaga na si Zhen-zhen ang Bunsong Anak na Babae ni Robin Padilla sa Kaniyang Dating Asawa na si Liezl Sicangco

Kung minsan, hindi lamang ang mga sikat na artista ang binibigyang-pansin ng mga fans. Dahil sa talento at kagandahan ng mga sikat na personalidad ngayon, hindi maiwasan ng mga fans na kilalanin at bigyang-pansin rin ang kanilang mga kapamilya na kasing ganda ng mga artistang ito.

Sa ilang anak ng dating action star na si Robin Padilla, kilalang-kilala na ng publiko ang kaniyang dalawang aktres na mga anak na sina Kylie Padilla at Queenie Padilla. Bukod sa kanila, mayroon pang dalawang anak si Robin sa kaniyang dating asawa na si Liezl Sicangco.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kabilang dito ay sina Ali at Zherileen Padilla. Dahil sa kagandahan ni Kylie at Queenie, hindi maiwasang mapansin din ang kanilang nakababatang kapatid na si Zherileen o mas kilala bilang Zhen-zhen.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Sa ngayon ay nananatiling pribado at tahimik ang personal na buhay ni Zhen-zhen. Hindi rin aktibo ang bunsong anak ni Robin sa social media ngunit bagamat hindi pormal na pumasok sa showbiz si Zhen-zhen, napapansin pa rin siya ng mga netizens dahil sa kaniyang angking kagandahan. Mayroon ding ilang pagkakataon kung saan nakikita si Zhen-zhen ng publiko lalo na kung kasama nito ang kaniyang mga kapatid.

Photo credits: google.com

Sa isang Instagram post nga ni Kylie, ibinahagi niya ang isang litrato ni Zhen-zhen bilang selebrasyon ng kaniyang pagtatapos sa kaniyang kinuhang kurso na film. Sa kasalukuyan ay 27 taong gulang na si Zhen-zhen at patuloy siyang naninirahan sa Australia kasama ang kaniyang nanay at kapatid na si Ali. Pagdating naman sa mga libangan, ayon kay Robin ay pareho sila ng hobbies ng kaniyang anak.

Mula sa social media posts ni Kylie, makikita naman na maganda ang relasyon ni Zhen-zhen sa kaniyang pamilya. Sa katunayan, bukod sa pagiging isang kapatid, isa si Zhen-zhen sa itinuturing na “best friend” ni Kylie. Dagdag pa rito, nagkaroon din ng pagkakataon si Zhen-zhen na kilalanin ang kasalukuyang asawa ng kaniyang tatay lalo na noong maging cover siya ng isang sikat na magazine kasama ang kaniyang kapatid na si Kylie at si Mariel Rodriquez.


Photo credits: google.com

Sunod naman na nakita ng publiko si Zhen-zhen noong ikinasal si Kylie kay Aljur Abrenica. Kitang-kita mula sa mga litrato noong naganap na kasal ang pagiging malapit ni Zhen-zhen sa kaniyang mga kapatid.