Home Entertainment Ellen Adarna ginawa na lang entertainment ang mga kumakalantari sa mister niyang...

Ellen Adarna ginawa na lang entertainment ang mga kumakalantari sa mister niyang si Derek Ramsay

Hindi na umano binibigyang pansin ni Ellen Adarna ang mga babaeng lumalandi sa asawa niyang si Derek Ramsay.

Kamakailan ay na-bored si Ellen, dahil nag-gold daw ang kanyang “bana” o asawang si Derek Ramsay.

Kaya naman nakipagkwentuhan siya sa kanyang mga followers sa pamamagitan ng “Ask me a question” sa Instagram.

Ibinahagi niya sa kanyang IG Stories ang ilan sa katanungan na kanyang napiling sagutin. Isa na rito ang tanong tungkol sa mga babaeng patuloy pa ring lumalandi sa asawa kahit kasal na ito.

Tanong ng follower niya, “Unsay angay buhaton sa mga babae nga cge ug flirt sa imong bana?” [“Anong dapat gawin sa mga babaeng patuloy na lumalandi sa iyong asawa?”]

Diretsahang sagot naman dito ni Ellen, “Pasagdan lagi. Kay sa akong experience with Derek, daghan mag sige message sa iyang mga babaye, nga gipakita niya nako. Mao ra na naging entertainment namo. Kataw-anan man ang uban. Pasagdi ra jud. Entertainment ra.”

(Hayaan na. Sa aking experience kay Derek, andaming babae na panay message, na pinapakita niya sa akin. Iyon naging entertainment namin. Nakakatawa yung iba. Hayaan na.)

Ani Ellen, confident umano siya na hindi nangbababae ang kanyang mister. Dahil sa ganda daw niyang iyon ay paniguradong hindi na maghahanap pa ng iba ang asawa.