Home Entertainment Jodi Sta. Maria at Travel Buddy nitong si Thirdy Deretso sa Dubai...

Jodi Sta. Maria at Travel Buddy nitong si Thirdy Deretso sa Dubai Matapos ang Kanilang Kakaibang Experience na Bakasyon sa Europe

Kamakailan lamang ay nagtapos na nga ang Kapamilya teleserye na The Broken Marriage Vow. Isa itong adaptation mula sa kilalang British show na Doctor Foster. Pinagbidahan ito ng mga premyadong aktor at aktres sa showbiz gaya nina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Jodi Sta. Maria. Dahil sa galing ng pag-arte ng mga aktor at aktres at dahil pumatok ang istorya ng teleseryeng ito sa mga manunuod, talagang naging matagumpay ito at pinag-usapan ng marami.

Nang matapos nga ang teleserye, masasabing talagang nararapat lamang na magkaroon ng kaunting pahinga at bakasyon ang mga aktor at aktres na gumanap sa teleseryeng ito.

Dahil dito, pinili ni Jodi na magpahinga at magbakasyon kasama ang kaniyang anak at “favorite travel buddy” na si Thirdy. Unang bumisita ang mag-ina sa Europe kung saan nilibot nila ang magagandang tourist spots ng Amsterdam, Budapest, at Prague. Dito rin ipinagdiwang ng aktres ang kaniyang ika-40 na kaarawan.

Kasama sa litrato ng isang tourist spot sa Prague ang mensahe at pasasalamat ng aktres para sa kaniyang espesyal na araw. Binati rin naman siya ng kaniyang mga kaibigan at katrabaho mula sa showbiz. Samantala, makikita naman sa isang litrato na suot ng travel buddies ang kasuotan ng Netherlands. Kitang-kita na masaya nilang naranasan ang kultura ng bansa.

Bagamat makikita mula sa Instagram posts ng aktres na talagang nag-enjoy ito sa kaniyang Europe trip, hindi pa dito nagtatapos ang kaniyang bakasyon. Mula sa Europe, sunod naman na naglakbay si Jodi at Thirdy papunta sa Dubai.

Sa ilan pang Instagram posts, makikita ang litrato ng mag-ina sa sikat na sikat na Burj Al Arab. Naranasan din ni Jodi na matikman ang kilalang golden cappuccino ng lugar.

Sa pinakabagong post ng aktres, makikita sa isang video clip na nagkaroon ng pagkakataon ang mag-ina na makasakay sa isang helicopter.

Dahil dito, nakita nila nang husto ang kagandahan ng buong Dubai, kasama na ang mga kilalang gusali rito.

Mula sa napakaraming litrato ni Jodi, masasabing talagang nag-enjoy siya sa bakasyong ito.

Talagang sinulit din nila ang pagbisita sa bawat lugar na kanilang pinuntahan.

Dahil dito, ikinatuwa rin ng netizens at mga kaibigan ni Jodi ang kaniyang masayang Europe at Dubai trip.