Home Entertainment Dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mahal sa buhay, Mark Herras in4take...

Dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mahal sa buhay, Mark Herras in4take ng d3presyon

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Mark Herras na nakaranas siya ng d3presyon noong nagsunud-sunod ang dagok sa kanyang buhay.

Minsan na umanong nakwestyon ni Mark kung ano nga ba ang plano ng Panginoon para sa kanya. Ito ay nang magsunod sunod na mawala ang mga mahal niya sa buhay.

Aniya hindi daw siya nakapagluksa nang maayos. Una daw nawala ang kanyang lola sinundan ng kanyang daddy at sumunod naman ang kanyang mommy.

At ilang buwan nga lang ang lumipas ang tito naman niya na sobrang close sa kanya ay nawala na din.

“Nam4tay ‘yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito. Sunod-sunod sila eh. 2011 si lola, 2014 is my dad. After two years my mom, then after six months my tito,” kwento ng aktor nang maging guest siya sa “Mars Pa More.”

Inilahad ni Mark na naging depr3ssed siya noon dahil sa dagok sa kaniyang buhay. Tila nawalan din daw ng direksiyon si Mark sa buhay at hindi iniingatan ang kaniyang kita dahil sa nangyari.

Kinuwestiyon din ni Mark noon kung ano ang plano sa kaniya ng Maykapal.

“Na-witness ko ‘yung apat na pangyayari sa buhay ko na ‘yun na, nasabi ko nga, ‘Ano pa po ba ang plano Niyo sa akin?’ Lahat tayo kinukuwestiyon natin ‘yun eh,” sabi ni Mark.

“Before, ang lagi kong tinatanong, ‘Why God? Ano po ba ang plano Ninyo sa akin?’ Noong time na ‘yun kinokontra ko Siya, sabi ko ‘Parang mali eh, hindi Niyo dapat kinuha sa akin eh,’” dagdag pa niya.

Pero nagbago ito nang dumating sa buhay niya ang asawang si Nicole, at pagkatapos nito ay ang anak nilang si Corky.