Home Entertainment Ayon kay Ogie Diaz, Tom Rodriguez hiniwalayan ni Carla Abellana dahil sa...

Ayon kay Ogie Diaz, Tom Rodriguez hiniwalayan ni Carla Abellana dahil sa P24M na na-scam sa aktor

Php24 million umano ang na-scam na pera ni Tom Rodriguez na naging dahilan diumano ng hiwalayan nila ni Carla Abellana.

Sa Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, muli nilang napag-usapan ng kanyang mga co-host ang tungkol kina Tom at Carla.

Tinalakay nila ang tungkol sa perang nalustay dahil sa panl0l0ko umano ng kaibigan ni Tom. Umabot daw sa 24 million pesos ang perang na-scam sa aktor.

Ayon pa sa source ni Ogie, nadamay din daw ang perang naipon ni Carla. Kaya ito umano ang naging dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa dating mister.

“Ang sabi, parang nawalan na ng pera si Tom kasi nga, dun sa perang na naipatalo o naging biktima ng scam si Tom, or nailagay sa negosyo na di kumita at na-zero pa na mahigit P24M, ang sabi ha, jusko… Andun din pala ang pera ni Carla, may pera rin daw dun si Carla,” pagbabahagi ni Ogie.

“Ang sabi dito, Loi, ‘May pera rin si Carla dun sa na-scam kay Tom. Kaya nga alam din ni Carla yung pera na yun kasi pareho nilang perang mag-asawa yun na na-scam kay Tom. In other words, hiniwalayan ni Carla si Tom kasi naubos ang pera ni Tom, damay pa yung pera ni Carla Abellana,” dagdag pa nito.

Matatandaang kamakailan lamang ay nagsalita na rin si Tom tungkol sa hiwalayan nila ni Carla. Kasalukuyang nasa Amerika na ang aktor at aniya’y kadamay niya ang kanyang pamilya sa kanyang pinagdaraanan sa ngayon.