Home Entertainment Dawn Chang pinutakte ng netizens matapos magpatama sa naging pahayag ni Ella...

Dawn Chang pinutakte ng netizens matapos magpatama sa naging pahayag ni Ella Cruz

Inulan ng samu’t-saring reaksyon ang tila pasaring ni Dawn Chang sa naging pahayag ni Ella Cruz tungkol sa history.

Hanggang ngayon ay mainit na isyu pa rin at pinagmumulan ng iba’t ibang argumento. Ang naging kontrobersiyal na pahayag ni Ella tungkol sa kasaysayan, kung saan inihalintulad niya ito sa tsismis.

“History is like chismis. It is filter and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga… As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion,” buong pahayag ni Ella.

Iba’t-ibang celebrity na nga ang nagbigay ng kanilang opinyon ukol dito. At ang latest nga ay si Dawn Chang. Sa tweet kasi ni Dawn tila pasaring daw ito para kay Ella ayon sa mga netizens.

Ani Dawn, “Mahirap maging pag-asa ng bayan, kung ang ating kasaysayan ay sadyang kakalimutan. As Filipinos, we need to collectively help each other learn the lessons from the past, so we can have a better future ahead. Bago magsalita, mag-aral ng kasaysayan, para may tamang ambag sa lipunan”

Bagamat walang binanggit na pangalan sa kanyang post, sigurado ang mga netizens na para kay Ella ang tweet na iyon ni Dawn.

May mga sumang-ayon sa aktres, pero may ilan din na sinabihan siyang nakikisawsaw lang sa trending issues.