Home Entertainment Father Nosi Balase tinawag na ‘walang puso’ ang gobyerno: “When you help...

Father Nosi Balase tinawag na ‘walang puso’ ang gobyerno: “When you help the poor, you will be tagged as a communist!”

Hindi naitago ng pari na si Father Ronald “Nosi” Balase dahil sa naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang 12 na katao, kasama na ang apat na madre dahil sa diumano’y pagbibigay nila ng pondo sa CPP-NPA.

Nitong Agosto 16 ay kinasuhan ng DOJ ang Rural Missionaries of the Philippines (RPM) dahil sa ginagamit nila ang nakukuha nilang pondo para bigyan ng financial support ang komunistang grupo.

Ngunit ayon kay Balase ay tumutulong lamang ang nasabing grupo sa mahihirap at hindi totoo na sila ay komunista.

Tinawag niya ring walang puso ang gobyerno dahil sa pagtrato na ginawa nila sa RPM.

“In the Philippines today, when you help the poor, you will be tagged as a communist as if it is a crime to be one.” ani Balase.

“You do not need political affiliation or religion to help, you just need a feeling heart. Unfortunately, Philippine government is heartless.” dagdag niya pa.

Nanawagan naman ito sa mga netizens na kailangan nilang depensahan ang mga nasabing madre.

“The nuns they accused of being a communist have been selflessly giving themselves to serve the underprivileged sectors of our society. They have been a target of repression because of their bold stand to defend the rights of the people and expose injustices.” sabi pa ng pari.

Samantala ay sinagot din nito ang mga kritiko niya na tinatanong kung saan napupunta ang pera ng simbahan na galing sa mga nagsisimba.

“Madami silang napupuntahan, staff, church maintenance, bills and other hoes to charity. Hmmmm???” aniya

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps