Home Entertainment Donnalyn Bartolome binanatan si Associate Justice Marvic Leonen: “Sino po kayo para...

Donnalyn Bartolome binanatan si Associate Justice Marvic Leonen: “Sino po kayo para mag-assume I don’t know what it’s like to be poor?”

Mismong ang associate justice ng Supreme Court na si Marvic Leonen ang nagbigay ng reaksyon sa ‘kanto-themed’ birthday ng influencer na si Donalyn Bartolome.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Bartolome dahil sa tila ginagamit nito ang kahirapan para gawing konsepto sa kanyang kaarawan.

Tinawag na ‘insensitive’ ni Leonen ang ginawang ito ni Bartolome at sana daw ay humanap nalang ito ng paraan upang tulungan ang mahihirap imbis na magpanggap na isa sa kanila.

“Instead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is to be poor and find ways and means to assist.” ani Leonen.

“To be poor is not something to celebrate by the rich. It is insensitive. Just saying.” pagpapatuloy niya pa.

Matapang naman na sumagot si Bartolome kay Leonen.

“Wow pati Supreme Court Justice associate? Bawal po ako pumarty the way I partied before fame? Sino po kayo para mag-assume I don’t know what it’s like to be poor? Supreme Court Justice Associate tapos di nag-gather ng facts bago mangjudge? What a shame!” sabi ni Bartolome.

“Who told you I never did anything to assist Sir? I celebrated my life by looking back at my past and not being ashamed of it. Did I pretend to be poor? Poor pa rin po ba sa inyo naka Bvlgari watch ako dun with diamond earrings and my imported P10,000 slippers? Mga nakaPrada pa mga bisita ko at Chanel, sadyang sa kanto lang kami pumarty at nakapambahay lang,” dagdag niya pa.

Ayon pa sa influencer ay sana’y gawin na lamang ni Leonen ang trabaho niya imbis na magparami ng likes sa Twitter.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps