Home Entertainment Maria Clara at Ibarra writer Suzette Doctolero, nagpakita ng suporta kay Kat...

Maria Clara at Ibarra writer Suzette Doctolero, nagpakita ng suporta kay Kat Alano

Nagpakita ng suporta ang head writer ng GMA Network na si Suzette Doctolero kay Kat Alano.

Ito’y sa gitna ng pambabatikos na natatanggap ni Alano mula sa mga tagasuporta ng aktor na si Vhong Navarro.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Doctolero ang kanyang suporta kay Alano na matatandaan na ilang beses nag-post ng cryptic tweet tungkol sa indibidwal na nambiktima sa kanya noon.

Ang mga mensaheng pinakawalan ni Alano ay halos kasabay ng paglabas ng warrant laban kay Navarro dahil sa kasong panghahalay na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

READ MORE: Kat Alano, may post sa gitna ng pagsuko ni Vhong Navarro: “Finally a glimpse of justice”

“Woke up to so many wonderful DMs from people showing support, telling me to stay strong, telling me that other victims are getting empowered by this fight.

“I love you guys so much. I really needed those messages and I am so grateful for you.

“Thank you for making my day.” ani Alano.

“Helping, reaching out and supporting one another is part of the doctrine of sisterhood.” sabi naman ni Doctolero na nasa likod din ng bagong programa ng GMA na Maria Clara at Ibarra.

Ikinatuwa naman ni Alano ang pagpapakita sa kanya ng suporta ng head writer.

Si Doctolero ay nasa likod din ng mga programa na Encantadia, Amaya at Indio.

Nagustuhan mo ba ang aming ulat? Maari niyo ba kaming suportahan sa pamamagitan ng pag-like ng aming page? Here are the steps