Home Entertainment Singer na si Leah Navarro sa pagkawala ni PBBM: “He is planning...

Singer na si Leah Navarro sa pagkawala ni PBBM: “He is planning his next ‘Tipar’”

Nag trending sa social media ang #NasaanAngPangulo sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding sa bansa sa gitna ng pagkawala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mata ng publiko.

Ilan sa mga celebrities na nagbigay ng reaksyon sa pagkawala ni Marcos ay ang singer na si Leah Navarro.

Sa kanyang tweet sa social media, sinabi ni Navarro sa mga netizens na huwag na nilang sayangin ang oras nila sa paghahanap kay Marcos dahil diumano’y nagpa-plano ito sa kanyang susunod na ‘tipar’ o ‘party’.

Ayon sa kanya ay mas mainam na intindihin nalang ng mga netizens ang kanilang sarili imbis na umasa kay Marcos.

“Please, don’t waste your time asking #NasaanAngPangulo. He knows where he is, he is planning his next tipar. We are on our own re Typhoon #Karding , folks. We know what to do, in most cases. Take care and be safe.” ani Navarro.