Home Entertainment Janina Raval, ang anak ng aktor na si Jeric Raval, pinanganga ang...

Janina Raval, ang anak ng aktor na si Jeric Raval, pinanganga ang madlang people dahil sa angkin nitong kagandahan nang sumali ito sa “Kaparewho” sa “It’s Showtime”

“Like Father like daughter,” iyan nga naman ang sinasabi ng lahat. Nagmamana daw talaga ang mga anak sa kanilang mga magulang. Kagaya na lamang ng pagmana ng anak sa kanyang ama.

Maaaring mamana ng bata sa kanyang ama ang lahat ng aspeto mula sa pisikal na anyo, kagalingan o maging pag-uugali. Talaga nga namang nakakatuwang makita na halos sa mga anak ngayon ay nagmamana sa kanilang mga magulang, maging mga showbiz personalities at kanilang mga anak ay nakikitaan nito.


Credit: iamjaninaraval instagram

Kagaya na lamang ng aktor na si Jeric Raval, pinasaya ng kanyang anak na si Janina Raval ang mga madlang people sa segment ng It’s Showtime na “Kaparewho”.

Regular na itong segment at kadalasan ay mga nasa 40s ang sumasali pero dahil special segment, mga medyo young adults naman ang sumali.


Credit: iamjaninaraval instagram

Makikitaan nga naman ng angking ganda at galing si Janina at naging masaya talaga ang lahat sa studio.

Mahilig siya sa pagkain, pag eehersisyo at paggamit ng kanyang mga smart phones.

Sabi pa ni Janina, sa iisang lalaki lang daw siya talaga nabibilib at yun ay sa kanyang ama na si Jeric Raval.

Banggit naman ni Jeric, yari daw ang kung sinomang mapipili ng kanyang anak kung hindi siya matino.

Tuwang tuwa naman ang mga manonood at mga madlang people sa kanya at sa buong segment. Makikitang nag enjoy naman talaga siya sa show.

Maging ang host na si Ryan Bang ay tuwang tuwa at gandang ganda sa kanya.

Samu’t saring mga komento naman mula sa mga netizens na hangang hanga sa kagandahan ni Janina:

“Kaya pala ang ganda ganda niya. D nakakasawang tingnan kanina habang nanonood ako ng Kaparewho. 😊”

“ganda nang anak nia idol qo tohj dati sobrang crush na crush qo to c jeric khit ang bata2 ko pa noon twing my naponood aqo movie nia kinikilig aqo”


Credit: iamjaninaraval instagram

“Lodi lhat ng pelikula m pnanuod k paulit ulit d ako ngasasawa grbe kc dating m skin Sana mkita kita ng personal at khit n my asawa ako kinikilig ako sau pgnkikita kita s TV”

“Anak Nia pla to sumali knina


Credit: iamjaninaraval instagram

Ang Ganda at npk flawless 😍”

“Sana ganyan age na lang sa kaparewho… I enjoyed a lot… yep she’s pretty girl”

Source: thetrendingplanet.com

View More: