Home Top Trending Humble Sinulog Queen, Nagtitinda Ng ‘Siakoy’ Para Makatulong Sa Pamilya Ngayong Pandemya

Humble Sinulog Queen, Nagtitinda Ng ‘Siakoy’ Para Makatulong Sa Pamilya Ngayong Pandemya

Kadalasan makikita sa isang Beauty Queen ang tinataglay nitong kagandahan, katalinuhan, at siya rin ang nag sisilbing inspirasyon sa mga kabataan, lipunan at sa mata ng mga kababaihan.

Kaya naman, masasabing totoong beauty queen ang kamakailan na Sinulog Queen na si Monika Afable.

Sa kabila ng pandemyang hinaharap natin ngayon. Pinili ni Monika ang maglako ng ‘Siakoy’ ng sa gayon siya ay maka tulong sa kanyang pamilya. Hindi na inisip ni Monika kung ano man ang mga titulo na kanyang pinanalohan kung hindi inisip nito ang paraan na siya ay kumita at may maitulong sa kanyang mga magulang.


Sa isang FB Page na Pageanthology-101 Philippines, pinost nito ang litrato ni Monika kung saan sya ay naglalako sa kaniyang mga kapit bahay sa kanilang lugar.

Sa nasabing page isa si Monika sa mga pinaka humble na beauty queen dahil sa pagsusumikap nito hindi lamang sa pag rampa kundi pati na rin sa pagiging practical sa buhay.


Hindi naging rason ang mga titulo na kanyang pinanaluhan para ikahiya niya ang pagtitinda sa kanilang lugar sa kabila ng pandemyang ating hinaharap.

Grade 10 noon si Monika ng tinalo niya ang sampung contestants sa Sinulog Festival Queen 2020.


Hindi lamang ang korona ng Sinulog Queen ang kanyang natanggap kundi pati na rin sa mga ibat ibang contests siya rin ay kinoronahan bilang; Miss Mega Sardines, Miss Tender Juicy, Miss McDo Queen at Miss Robinsons Galleria. Nanalo din siya bilang Best Runway 3 days bago ang Sinulog Queen.

Masasabing siya ay isang tunay na Beauty Queen hindi lamang sa physical na anyo kundi siya ay nag sisilbing inspirasyon sa karamihan lalo na sa mga kabataan, kababaihan na ang buhay ay hindi puro pageant lamang hindi puro kagandahan kung hindi kung paano ka makakatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap ano mang titulo ang natanggap.

You are truly a Queen Monika Afable.