Home Cebu NAKAKAAWA! Batang naulila sa ina dahil sa sakit, nawalan rin ng ama...

NAKAKAAWA! Batang naulila sa ina dahil sa sakit, nawalan rin ng ama makalipas ang ilang buwan

Marming Netizen ang naawa sa larawan ng batang si “Macky” dahil matapos na mamatayan siya ng ina noong Enero ng kasalukuyang taon, naulila na rin siya sa ama ngayon lamang Setyembre. parehong may iniindang karamdaman ang mga magulang ni Macky bago mamayapa.

Ayon sa post ng netizen na si Hyanizha, kidney failure ang ikinamatay ng mga magulang ni Baby Macky.

“Unang kinuha ni God ang kanyang ina na si Mailyn Sabandea (January 2020) at ngayong buwan naman (September 2020) ay ang kanyang ama na si Mark Anthony Cabagnan Sandoval,” pahayag ni Hyanizha. Kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng mga kamag-anak si Baby Macky subalit nangangailangan ito ng tulong pinansyal.

Marami na rin ang nagmalasakit na magpadala ng tulong sa bata lalo na at sadyang nakakadurog ng puso ang kanyang sinapit. Sa murang edad kung saan mas nangangailangan siya ng kalinga at pagmamahal ng mga magulang, saka naman nawala agad ang mga ito.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens: “God bless you baby boy. I hope the relatives will be able to give the boy the love and care he deserves despite the unfortunate events. Kawawa po kasi. Nakakadurog sa puso. Papa God. Please, I pray. Sana malaki siyang masayahin, mabuting bata at may mga kamag anak na mapag-aruga. sana safe siya lagi”

“Nadudurog ang puso ko Lord gabayan mo po si baby kaw na po bahala sa kanya Lord God” “Sana sa umaaruga sa bata, ituring niyo sana na anak nyo. Wag niyo sana pagmalupitan kasi di naman niya kasalanan mawala ang mga mgulang niya. Be strong baby boy God is always with you” “Tama po sila sa kawawang bata maaga nangulila sa kaniyang sariling lahi sana po kung sino man ang nag-aalaga sa kanya mamahaling po niyo na tunay na anak po kasi kayo nalang ang pag-asa sa bata na yan God bless you baby boy”

“Ang aga-aga napaiyak ako dito, ang bata pa niya para mawalan ng magulang. Be strong baby nandiyan naman si Papa God he always there for you di ka niya papabayaan.”

Mahirap mawalan ng magulang lalo na kung maaga itong namaalam tulad nang nararanasan ngayon ni Baby Macky. Ngunit ang iba, bagaman at mayroon pang mga magulang ay nakararamdam ng sakit at paghihirap sa piling ng mga ito.