Home Cebu Kilalanin Ang Napaka Cute Anak Ni Regine Tolentino Na Kinagigiliwan Ngayon Sa...

Kilalanin Ang Napaka Cute Anak Ni Regine Tolentino Na Kinagigiliwan Ngayon Sa Social Media

Proud mommy ngayon ang aktres at mahusay na mananayaw na si Regine Tolentino sa kanyang pangatlong anak, na si Baby Rosie. Paano ba naman, talaga namang napaka-kyut nito, kung saan ay ang bawat ngiti at halakhak nito ay kinagigiliwan ng aktres at ng kanyang buong pamilya.

Upang ibahagi naman ng 39-taong gulang na mommy na si Regine sa kanyang mga tagahanga at iba pang mga netizens ang bawat milestone ni Baby Rosie, ay ginawan niya ito ng sariling Instagram page kung saan ay dito niya ibinabahagi ang mga kyut na larawan at videos ng kanyang baby.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Dahil nauuso nga naman ngayon ang OOTD mapabata man o matanda, ay hindi rin naman magpapahuli dito ang kyut baby girl ni Regine.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Makikita sa mga larawan ni baby Rosie na kahit ito ay nasa loob lamang ng tahanan, ay lagi itong naka-OOTD (Outfit of the Day) ng kanyang mga magagandang baby dress, kung saan ay mas lalo pa nitong pinapagalitan ang kanyang ka-kyutan.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Minsan pa nga ay hindi lamang si baby Rosie ang naka-outfit, dahil may mga larawan rin sila ni Mommy Regine na makikitang silang dalawa ay naka mother-daughter twinning.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Hindi nga lam ang mga cute na larawan ni Baby Rosie ang makikita sa Instagram page na ito na ginawa ni Regine para sa anak, dahil maging ang masasaya nilang mga bonding moments ay ibinabahagi rin dito ng aktres.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Dahil naman sa pagkakaroon ng community quarantine, ay mas nae-enjoy ngayon ni Regine ang pagiging mommy niya sa kanyang pangatlong anak. Ito ay dahil mas nagkaroon siya ng maraming oras na makasama at alagaan ang kanyang baby.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Sa kabila naman ng patuloy na pananatili sa loob ng tahanan dahil sa quarantine, ay tila hindi naman nakakaramdam ng pagkabagot si Regine at ang buong pamilya niya dahil sa kinagigiliwan nila sa araw-araw si baby Rosie.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Matatandaan nga na ikininasal si Regine Tolentino kay si Lander Vera Perez noong taong 1997, kung saan ay nagkaroon sila ng dalawang anak na babae na sina Azucena Reigne at Alyssandra Reigen. Ilang ulit nagkahiwalay sina Regine at Lander, pero nagkabalikan rin, ngunit matapos ang 18-taong pagsasama ay tuluyan ng nagkahiwalay ang dalawa noong taong 2016.

Photo Credit: reginetolentino/Instagram

Matapos maging hiwalay sa dating asawa, nakatagpo naman ng bagong pag-ibig si Regine ngayon, at ito nga ay sa kanyang non-showbiz boyfriend na siya namang ama ni baby Rosie.
Samantala, matatandaan na noong ika-5 ng Abril taon ng kasalukuyan, ay marami ang nagulat ng i-anunsyo ni Regine na siya’y nagsilang muli sa kanyang pangatlong anak noon pa ngang buwan ng Marso.

Ito ay dahil nasa 18-taon ang agwat ni Baby Rosie sa pangalawang anak ni Regine, kaya naman talaga maging ang mga kapwa artista ni Regine ay nagulat ng malaman na muling nagka-anak ang aktres.
Si Baby Rosie, ay ipinanganak ni Regine noong ika-17 ng Marso sa oras na 9:25 P.M, sa prosesong cesarean section.