Home Cebu Dawn Zulueta tinawag na “KJ” ang linya ni Agot Isidro kay Jinkee...

Dawn Zulueta tinawag na “KJ” ang linya ni Agot Isidro kay Jinkee Pacquiao

Hindi napigilan magbigay ng kumento ng aktres na si Dawn Zulueta tungkol sa banat noon ni Agot Isidro kay Jinkee Pacquiao.

Isa sa kanyang mga followers sa Instagram ang tila ginaya ang linya ni Isidro matapos nitong makita na nagbibisikleta ang aktres sa isa sa kanyang mga larawan.

“Konting sensitivity naman pOe maam dawn. Hindi lahat po tayo ay nakakalabas ng bahay at hindi lahat tayo ay may ganyang kagandang kutis, kapag nakita po yan ni Agot, naku po. hahahaaa char ganito pala feeling ng basher mo mama, nakakakilabot,” sabi ni @zg_mee kay Zulueta.

Natawa nalang si Zulueta sa kumento ng kanyang fan at tinawag ang linya na “killjoy”.

Pero sinabi niya na dapat ay huwag nalang isali si Isidro sa kanilang mga comment.

“Wag na natin isama si Agot sa usapan. Natawa lang ako sa “basher” mode,” ani Zulueta.

Screenshot mula sa Instagram page ni @dawnzulueta

Maalala na nakuha ni Isidro ang atensyon ng mga netizen ng bigla niyang punahin ang pagpapakita ng mamahaling bisikleta ni Pacquiao sa kanyang Instagram page.

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam,” ani Isidro.

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?” dagdag pa niya.

Nilinaw naman ni Pacquiao na ang bisikleta na kanyang ipinakita sa Instagram ay regalo lamang ng isang kaibigan.

Ilang araw lang matapos siyang batikusin ni Isidro ay ipinakita ulit ni Mrs. Pacquiao ang kanyang bisikleta sa kanyang mga fans.


Hanggang ngayon ay hindi nagbigay ng kahit anong komento si Pacquiao kay Isidro.