Home Entertainment Jose Manalo, nakita kasama ang kanyang bagong karelasyon na dating EB Babe

Jose Manalo, nakita kasama ang kanyang bagong karelasyon na dating EB Babe

Kilala si Jose Manalo bilang isa sa mga pinakasikat na komedyante ngayon.

Marami man siyang napapasaya ay tila malungkot naman ang naging takbo ng kanyang love life matapos siyang makipaghiwalay noon sa kanyang dating asawa na si Analyn.

Pero ngayon ay tila masaya na ulit ang komedyante lalo na’t nakahanap na siya ng bagong kasama sa buhay.

Sa pagbubukas ng kanyang negosyo ay makikita ang komedyante na kasama ang dating miyembro ng EB Babes na si Mergene Maranan.

Hindi naman masyadong nagpapakita sa publiko na magkasama ang dalawa ngunit alam ng mga fans ni Jose na masaya ang komedyante sa pribadong relasyon niya ngayon.

Ngunit ilang buwan na ang nakakaraan ay tila nagtaray si Mergene sa isang netizen na nagtatanong lamang kung talaga bang magkasama na sila ni Jose sa iisang bahay.

May maiksing sagot lang sana si Mergene sa netizen.

“So?” sabi ni Mergene.

Ngunit tila nag init ang sitwasyon ng sagutin ng nasabing netizen si Mergene at sabihan na tila walang respeto ang dating dancer.

“Wag kasi mamakealam ng buhay ng may buhay. Ayusin mo muna buhay mo teh. ano gusto mong sagot? Sino satin ang may attitude?” ani Mergene.

Hinila pa ni Mergene ang pangalan ni bossing Vic Sotto sa kanilang usapan.

“Pabasa ko toh kay bossing. Gusto mo sumikat?” hamon ni Mergene.

Marami namang netizen ang nadismaya sa ugaling ipinakita ng dating dancer dahil tila naging masyadong mataray ito sa isang netizen na nagtatanong lang naman.

“Kawawa nman c Jose bkit sa ganyan klaseng babae pa napunta. Ang dami nyang nappasaya araw-araw. Etong EB babe dpat hndi na nya sinagot ung ngtanong,” saad ng isang netizen.

“Ang daming kuda nitong bagong kinakasama ni Jose lol,” comment ng isa pang nakabasa sa sinabi ni Mergene.