Home Entertainment Agot Isidro, naiingit sa nangyayari ngayon sa Amerika: “Tayo binabangungot pa din!”

Agot Isidro, naiingit sa nangyayari ngayon sa Amerika: “Tayo binabangungot pa din!”

Hindi maitago ng aktres na si Agot Isidro ang tila pagkainggit sa nangyayari ngayon sa Amerika matapos manumpa ang kanilang ika 46 na Pangulo na si Joe Biden.

Sa isang tweet idinaan ni Agot ang kanyang nararamdaman at ikinumpara niya ang nangyayari sa Amerika ngayon at sa Pilipinas.

Ayon sa kanya ay naalis na diumano ang problema ng Amerika matapos manumpa si Biden.

“Nakakainggit ang US. They’re finally rid of what ails them. Kelan kaya tayo?” ani Isidro.Sinabi niya pa na makakatulog na ng mahimbing ngayon ang Amerika samantala ang Pilipinas ay patuloy parin na makakaranas ng masamang panaginip.

“America will be sleeping in peace again after 4 long years. Tayo, binabangungot pa din,” saad niya pa.

Marami sa kanyang mga followers sa kanyang Twitter page ang pumabor sa kanyang mga sinabi.

“Walang forever matatapos din po ang bangungot na eto…#labanlang,” ani @29Armat.

“Pinagdadasal ko po na sana mamulat na ang PILIPINO bago matapos ang taong na to para sa 2022 maging tulad na tau sa US,” saad @iamcathyph0127

Pero may ilan naman na tila hindi nagustuhan ang sinabi ni Agot.

“Mas bangungot pag nagpopost ng mga hermes si mrs paquiao,dahil yung inggit ay mas nakkmtay,” comment ni @leahGolingan.

Hindi ito ang unang beses na tila nagpakita ng pagmamahal si Agot sa Amerika.

Noong nagbanta si Pangulong Duterte na hindi niya tatanggapin ang mga ayuda galing sa Amerika at ilan pang bansa ay binatikos din ng aktres ang punong ehekutibo.

“Unang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway. Pangalawa, yung bansa kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World,” ani Isidro.

“Kung makapagsalita ka parang superpower ang Pilipinas eh. At excuse me, ayaw namin magutom. Mag-isa ka na lang. Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo,” dagdag niya pa.