Home Entertainment Kilalanin Ang Isa Sa Mga Nagagandahang Anak Nina Bernadette Allyson At Gary...

Kilalanin Ang Isa Sa Mga Nagagandahang Anak Nina Bernadette Allyson At Gary Estrada

Marami na tayong mga kilalang mag-asawang artista na parehong maganda at gwapo kaya naman pinagpala ring magkaroon ng nag-gagwapuhan at nag-gagandahang mga anak.

Isa na nga sa mga mag-asawang artista na ito ay sina Gary Estrada at Bernadette Allyson, na pinagpala na magkaroon ng apat na anak na sina Kiko, Garielle Bernice, Gianna Bettina at Gabbi Beatrice.

Sa isang show ng GMA-7 na “Sarap Diva”, kung saan host si Regine Velasquez ay naging panauhin ang isa sa mga anak nina Gary at Bernadette na si Garielle Bernice, na kung saan ay mas kilala sa palayaw niyang “Icee”.

Dito napansin ng mga netizens na ang magandang mukha ni Icee ay nakuha niya sa pinaghalong mukha ng kanyang Mommy Bernadette at Daddy Gary. Ipinakita rin ni Icee sa mga viewer’s ng “Sarap Diva”, kung paano siyang humawak ng baseball bat, at mas marami pa ngang nalaman ang mga netizens patungkol sa kanya.

Ayon pa sa isang panayam, mas close si Icee sa kanyang ama na si Gary na kung saan ay isinasali siya nito sa mga sports o laro nito. Nakuha rin umano ni Icee ang karamihan sa mga qualities nito sa kanyang ama na si Gary.

“Garielle, I still remember the day you were born. I told myself whatever it takes to be a good father I’ll do it. Garielle! Papa is getting scared now. ‘Cause you are growing fast so fast. Icee always remember that Mommy and Papa will always love you.”, ang naging mensahe ni Gary sa kanyang Instagram post na para sa anak niyang si Garielle.

May ilang netizens naman na nagbigay ng kanilang komento, patungkol sa mga magaganda at gwapong anak nina Gary at Bernadette. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“Gaganda ng mga anak mo.’

“Grabe yung kilay ng mga anak niyo, kuhang kuha sayo while yung shape ng face kay Mommy nila!”
Makikita nga sa mga larawan ng anak nina Gary at Bernadette na si Garielle, na dalagang dalaga na ito at minana nga niya sa kanyang Daddy at Mommy ang magandang lahi ng kanilang pamilya.