Home Entertainment Andi Eigenmann, naipanganak na ang kanilang baby boy ni Philmar Alipayo

Andi Eigenmann, naipanganak na ang kanilang baby boy ni Philmar Alipayo

Matapos ang nakakakilig at nakakatuwang engagement nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann ay mayroon na itong kasunod agad na panibagong biyaya na talagang inaabangan ng napakarami nilang mga tagahanga.

Matapos ang nakakakilig at nakakatuwang engagement nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann ay mayroon na itong kasunod agad na panibagong biyaya na talagang inaabangan ng napakarami nilang mga tagahanga.

Sa post ni Andi sa kanyang Instagram account ay makikita na sya ay nakapagsilang na ng kanilang ikalawang anak ni Philmar. Makikita dito kung gaano sila kasayang dalawa habang kasama na ang kanilang baby boy.

Saad ni Andi, “We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!♥️”

Matatandaan din na noong Disyembre 2020 ay nagkaroon ng gender reveal sina Andi kasama si Philmar at kanilang mga anak. Dito pa lang ay kitang kita na kung gaano sila ka-excited para sa magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa Instagram din ni Philmar ay nagbahagi ito ng larawan kasabay ng isang mensahe para kay Andi na lubos na nagpapasalamat at ipinadama niya kung gaano nya ito kamahal.

“Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you mahal ko ♥️ you are the strongest person i know 🙏🏽”

Sa oras na ito, ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga pagbati mula sa taong malalapit sa kanilang mga puso kasama na rin ang kanilang mga masugid na tagasuporta. Dito makikita na marami talaga ang kanilang napahanga di lamang dahil sa pagkakaroon nila ng simpleng pamumuhay kundi dahil na rin sa pinakita nilang tunay na pagmamahal sa isa’t isa.