Home Entertainment Naaalala Nyo Pa Ba Ang Dating Aktres Na Si Joyce Jimenez Ito...

Naaalala Nyo Pa Ba Ang Dating Aktres Na Si Joyce Jimenez Ito Na Pala Ang Kanyang Naging Buhay Ngayon

Natatandaan niyo pa ba ang dating aktres na si Joyce Jimenez o sa tunay na buhay ay mas kilala ng kanyang pamilya bilang si Joyce Herrin Reintegrado – Egbalic? Siya ay isang American actress, na sumikat at naging popular noong taong 1990 sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Dahil sa kanyang taglay na ganda, karisma, at kaseksihan ay tinagurian siyang “Pantasya ng Bayan”.
Kung ikaw ay isang batang 90’s marahil ay napanood mo ang mge pelikula ni Joyce Jimenez, na mga naging box office films, kagaya na lamang ng “Warat” (1999), “Ano ang Meron Ka” (2001), “Narinig Mo Na Ba Ang L8test” (2001) at ang “Pinay Pie” (2003).

Tumatak nga sa maraming mga manonood nood, ang isang mahusay na sexy actress sa local entertainment scene na si Joyce Jimenez dahil sa marami rami ring mga pelikula na kanyang nagawa. Kaya naman sa ilang taon ng lumipas na wala na sa Philippine Showbiz Industry si Joyce, ay marami ang nagtatanong at nais malaman kung ano na nga ba ang buhay ngayon, ng dating sexy actress na tinaguriang “Pantasya ng Bayan”.

Matapos ngang iwan ni Joyce Jimenez ang kanyang karera sa entertainment industry mga taong 2000’s, ay heto na pala ang buhay ngayon ng dating sexy actress.

Taong 2008, ay lumabas ang balita na si Joyce Jimenez ay nagpakasal na sa kanyang Fil-Am partner na si Paul Ely Egbalic, isang sundalo sa United States Airforce. Silang mag-asawa ay nabiyayaan na rin ng tatlong mga anak, at ito ay sina Jorja Ely, Jaysen Elise at Julian Elysson.

Ayon sa naging ulat noon ng GMA News, aktibo ang pamilya ni Joyce sa mga Fun run sa pag-spread ng Autism awareness sa mga tao, ng ang kanilang anak na si Jaysen ay ma-diagnose na mayroong naturang sakit, noong taong 2015.

Sa ngayon nga ay naninirahan si Joyce Jimenez at ang kanyang pamilya sa San Diego at doon na rin siya nagtatrabaho bilang isang office supervisor.

Hindi naman pinagsisihan ni Joyce Jimenez, ang kanyang naging desisyon na iwan ang kanyang career bilang isang actress, dahil ngayon ay enjoy na enjoy siya maging isang ina, sa kanyang mga anak.

Makikita nga sa social media account ng dating aktres, ang mga larawan niya, kasama ang pamilya, at mababakas sa kanyang mukha, kung gaano siya kaligaya sa buhay na mayroon siya ngayon, isang ina sa kanyang tatlong anak, at asawa sa kanyang pinakamamahal na mister.