Home Entertainment Anak ni Assunta de Rossi na si Baby Fiore, kinagiliwan ng mga...

Anak ni Assunta de Rossi na si Baby Fiore, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang napaka-cute at nakaka good vibes na reaksyon

Napakabilis nga naman talaga ng panahon. Parang kailan lang noong ibahagi sa atin ni Assunta ang magandang balita na siya ay buntis. Maituturing nga naman itong isang miracle baby.

Hanggang noong October 23 ay naisilang na ang napakagandang bata na si Baby Giulia Fiorentina Alessandra. Wala nga namang katumbas ang saya ng mag-asawang Assunta at Jules Ledesma sa araw na ito. Tinawag nila ang kanilang baby bilang si Baby Fiore.

Mas mabilis na nga talaga ang panahon dahil ngayon ay 3 months old na si baby. At sa kaniyang ikatlong buwan, ay ibinahagi sa atin ni Alessandra ang napakacute na video nito sa IG.

Makikita sa IG ni Assunta ang video na kung saan napakalaki ng tuwa sa mukha ni Baby Fiore. Wala nga namang mapaglagyan ang kanyang saya dahil talagang napakacute at punong puno ng good vibes si Baby.

Pabiro pang caption ni Assunta, ay parang daw itong tuwa kapag nakikita si crush. Pero syempre, hindi pa ready para dito si Assunta,

“Pag nakita si crush. ‘Nak, huwag muna. Pwede 50 years from now?? 😅,” caption nito sa IG.

ung bibisitahin ang IG ni Assunta, puro larawan ni Fiore ang makikita dito. Nakakawala nga naman ng pagod kapag nakikita mo na masaya ang iyong anak.

Samantala, marami naman ang nagtatanong kung ano nga daw ba ang kahulugan ng pangalan ni baby. Ibinahagi ito ni Assunta noon sa isa pang IG post,

“GIULIA- Just like how you pronounce Julia (sorry, no letter J in the Italian alphabet.😅) as a tribute to her paternal great-grandfather, Don Julio.

FIORENTINA- as a tribute to her paternal great-grandmother, Doña Florentina aka lola Puring (lola’s name is the Spanish version).

ALESSANDRA- as a tribute to my sister and our lola Alejandra aka Inang. Plus, I like its meaning, defender/protector.

So there you have it! I hope she knows how much we wanted her. 💖 #MiracleBaby,” saad pa niya.