Home Entertainment Isang Security Guard Ang Bukas-Palad Na Tumulong Sa Mag Ama Na Naligaw...

Isang Security Guard Ang Bukas-Palad Na Tumulong Sa Mag Ama Na Naligaw At Walang Makain

Naging viral sa social media, ang isang post ng netizens na nagngangalang Racel Diola Melargo, ito ay dahil sa nakakaantig ng damdamin pagtulong na ginawa niya bilang isang security guard sa mag-ama na naligaw at halos hindi pa kumakain.

Makikita nga sa video kung gaano kapagod, kalungkot ang mag-aamang naliligaw, ito ay dahil sa maliban nga sa init at pagod, ay gutom pa ang kanilang mga sikmura. Talaga nga namang nakaka-awa silang tignan, lalo na ang mga batang kasama ng kanilang ama.

Dahil sa nakita ni Racel ang mahirap na sitwasyon ng mag-aama, ay hindi na niya napigilan ang lapitan ang mga ito, at usisain, at dito nga niya napag-alaman base sa ama na ang mga ito ay patungo ng Lemery, Batangas.

Ayon nga sa ama ng mga bata, sila ay naglalakad patungo ng Lemery, Batangas ito ay dahil sa wala silang perang pamasahe, o kahit perang pangbili lamang ng pagkain ay wala sila.

Ibinahagi rin ng ama na sila ay mula pa sa Manila, ngunit dahil sa mali ang bus na kanilang nasakyan, ay sa San Pablo, Laguna sila napadpad imbis na sa Lemery, Batangas.

Mula umano sa San Pablo, ay matiyaga ng nilakad ng mag-ama ang daan, hanggang sa makarating sila sa Tanauan, Batangas at ayon pa nga sa ama, ay halos 3-araw na silang naglalakad ng kanyang mga anak.Kung nakakaramdam daw sila ng gutom at ihaw, ay nakiki-inom na lamang sila ng tubig sa mga karinderya na kanilang madadaanan, o kung minsan ay makakain din, kahit para lamang sa kanyang mga anak.

Hindi naman napigilan ni Rachel ang meluha, habang narinig niya ang kwento ng mag-ama, dahil sa talagang napakahirap ng kanilang kalagayan lalo na ang mga bata na makikita mo ang pagod, ,hirap at gutom nila.

Lalo pa nga umanong nadurog ang puso ni Racel, ng malaman niya ang dahilan ng pagtungo ng mag-ama sa Lemery, Batangas, kung saan ayon sa mga ito ay yumao na ang ina ng mga bata na nasa Lemery.

Sa natunghayan nga ni Racel na hirap ng mag-aama, at sa narinig niyang kwento ng mga ito, ay hindi nagdalawang isip ang butihing security guard na tulungan ang mag-ama. Binigyan niya ito ng pamasahe patungong Lemery, upang makasama na ng mga bata ang kanyang ina, kahit pa ng aba sa huling sandal.

Maliban pa nga sa pamasahe na ibinigay ni Racel, ay pinakain niya rin ang mga ito at pinabaunan niya ng makakain sa magiging byahe ng mga ito pauwi.
Ayon pa nga kay Rachel, ibinahagi niya ang pagtulong niyang ito sa social media, upang sakaling may makakita sa mag-aama ay maisipan rin ng ilan nating mga kababayan ang matulungan ang mga ito, lalo na sa paglalakbay ng mga ito patungo sa Lemery, Batangas.

Sa gitna nga ng krisis na kinakaharap natin ngayon, ang simpleng pagtulong sa kapwa, ay talaga namang maituturing na nating kabayanihan, katulad nga ng ginawang tulong ng security guard na si Racel sa mag-amang nangangailangan.