Home Entertainment Rufa Mae Quinto Masaya Ang Buhay Pamilya Sa Piling Ng Kanyang Fil-Am...

Rufa Mae Quinto Masaya Ang Buhay Pamilya Sa Piling Ng Kanyang Fil-Am Husband At Kanilang Anak

Ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto, ay isa sa mga komedyanteng aktres na talaga namang naging popular noon. Nagsimula siya sa mundo ng showbiz, sa pamunuan ng GMA network, kung saan siya nakilala bilang si Booba sa programang Kool Ka Lang. Una siyang nakilala sa That’s Entertainment, at 16-taon din siyang tumagal bilang isa sa mga cast ng longest running sketch comedy show ng nasabing network na “Bubble Gang.”

Taong 2017 ng lumipat si Rufa Mae sa pamunuan ng ABS-CBN, kung saan ay ang King of Talk na si Boy Abunda ang nanatiling humahawak sa kanya.

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig noon, may ilang mga showbiz personalities din ang minsan ng na-link sa kanya, tulad na lamang ng mga naka-date niya noon na sina Dingdong Avanzado at Erik Santos, ngunit ang mga ito ay hindi na niya nakatuluyan.

Ngunit ngayon, ay masaya ang buhay pag-ibig ni Rufa, lalo na nga’t nakabuo na siya ng kanyang pamilya, sa piling ng kanyang asawa na isang Filipino-American at kanilang anak na babae.

Si Rufa ay ikinasal noong ika-25 ng Nobyembre taong 2016 sa kanyang asawang si Trevor Magallanes, isang Fil-Am financial analyst. Ngayon, ay 4-taon na silang kasal mag-asawa, matapos nilang mag-celebrate ng kanilang 4th wedding anniversary noong nakaraang taon.

At dahil nga may Kasabihan tayo na “Age doesn’t matter”, ay hindi naging hadlang kana Rufa at Trevor ang kanilang pagkakalayo ng edad sa isa’t isa. nasa 42-taong gulang na kasi si Ruffa, samantalang si Trevor naman ay 34, taon pa lamang.

Sa bansang Amerika nagkakilala sina Trevor at Rufa, kung saan sa ikalimang pagkakataon na pamamasyal ni Rufa sa nasabing bansa, ay nakadaupang palad niya ang kanyang napangasawa.
Dream girl umano ni Trevor si Rufa, at noon pa lamang ay crush niya na ito, at ngayon nga ay masaya siya dahil sa ito’y kanya ng asawa.

Ang mag-asawang Rufa at Trevor, ay biniyayaan na rin ng isang anak, at ito nga’y isang babae na pinangalanan nilang si Athena, na isinilang ng aktres noong buwan ng Pebrero taong 2017.
Hindi naman naging lihim sa atin na LDR noon ang mag-asawa, dahil sa Pilipinas ang trabaho ni Rufa,

at si Trevor naman ay nasa Amerika. Ngunit noon pang nakaraang taon, ay lumipad patungo sa Amerika ang aktres, kasama ang kanilang anak na si Athena, upang mabuo ang kanilang pamilya.
Kasama ang kanyang buong pamilya, ay masaya si Rufa na tinutupad ang mga pangarap nila.

At isa na nga a kanilang natupad, ay ang magkaroon ng sarili nilang bahay sa Amerika, na kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa kanyang vlog.