Home Entertainment Bea Alonzo, may mensahe sa gitna ng pag amin ng ex niya...

Bea Alonzo, may mensahe sa gitna ng pag amin ng ex niya na si Gerald Anderson at Julia Barreto

Nagparinig nga ba si Bea Alonzo sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson?

Sa kanyang Instagram page, nag post si Bea tungkol sa kanyang pamamalagi sa kanilang farm sa Zambales.

Ayon sa kanya ay ang nangyayari ngayon sa bansa ay nagbigay ng pagkakataon sa kanya na magkaroon ng oras sa mga mahahalagang tao sa kanyang buhay.

“I love going back to our farm in Zambales; there’s always something fun to do. Kanina, lumabas kami para magtampisaw sa ilog. Simple lang, pero ang saya!” kwento ni Bea.

“These are the moments I live for. The time that this pandemic allowed us to have to be able to spend time with the people we love is what I am most thankful for,” dagdag niya pa.

Saka siya nagsulat ng mensahe tungkol sa oras at kung paano nito pinahilom ang kanyang mga kalungkutan at problema na dumaan sa kanya.

Dito niya rin sinabi na oras din ang magsasabi sa huli ng mga katotohanan.

“Time that is best spent with family, time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!” saad niya.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na magbigay ng kanilang komento sa mensahe ni Bea.

“‘Time as the Ultimate truth teller! LOUDER miss Bea!!!” ani abbycaraiggggggg.Gusto ko yung TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER. HAHAHA! Lumabas din ang katotohanan,” comment ni paulinemison.

“TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER. Malaman. Subtle parinig lang. That’s how classy girls play the game,” sabi ni iamc0urtney.

Matatandaan na kalaunan ay inamin ni Gerald na siya ay may relasyon na kay Julia Barreto.

“Yes, Tito Boy… It’s a yes, I’m very happy,” pag amin ni Gerald sa showbiz host na si Boy Abunda.

Dito rin sinabi ni Gerald na hindi maganda ang naging takbo ng relasyon nila ni Gerald.

Noong 2019 ay naging malaking isyu ang hiwalayang Gerald at Bea dahil sa diumano’y naging third party sa relasyon si Julia.

Ngunit itinanggi naman ni Julia noon ang mga paratang sa isang mensahe para kay Bea.