Home Entertainment Netizen pinuna si Pokwang matapos magdrama dahil walang trabaho kahit nagpapatayo ng...

Netizen pinuna si Pokwang matapos magdrama dahil walang trabaho kahit nagpapatayo ng beach house

Isang netizen ang pinuna ang komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang dahil diumano sa pagda-drama nito dahil sa epekto ng pandemya sa kanyang buhay.

Matatandaan na noong Marso 3 ay binatikos ni Pokwang si Spokesperson Harry Roque dahil sa kanyang pagsasabi na “bakasyon” ang ginagawa ng Pilipino sa panahon na ito.

“Napakatagal na po nating nakabakasyon. Halos isang taon na tayong nagbakasyon,” ani Roque.

Sa kanyang post ay sinabi ni Pokwang na hindi nagbabakasyon ang mga tao at naiiyak na nga siya dahil wala itong trabaho.

“Hindi po bakasyon ang tawag don sir! Be sensitive naman po! Bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi gabi kasi wala kana trabaho? Pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? Bakasyon po ba yung need mo isara negosyo mo? Kung ganyan ang bakasyon edi ayoko na magbakasyon,” sambit ni Pokwang.

Ngunit pinuna naman ni Tio Moreno, isang masugid na taga suporta ng administrasyon si Pokwang at ipinakita ang isang report tungkol sa ipinapatayong bahay ng komedyante sa Bataan.

Hindi tuloy napigilan ng ilang netizens na tanungin kung umaarte nga lang ba si Pokwang.

“Komedyante nga! Parang si Coco Martin lang, ano raw ipapakain nya sa pamilya nya then few months later… Wow, may pa Gucci na tableware kay Angelica,” ani netizen Cquez Perez.

“Artistahin talaga….dami din namn nawalan ng trabaho bat nd sinisisi sa pangulo?” tanong ni ANtonio Julao.

Maaring ang binabangit ni Moreno ay ang beach house na ipinapatayo ng komedyante sa Mariveles, Bataan.

Nabili ni Pokwang ang nasabing lote noong 2019.

Sa ngayon ay nagkakahalaga ng 2-M to 7-M pesos ang halaga ng mga lote sa nasabing lugar ayon sa isang website.