Home Entertainment Pokwang sa mga pumupuna sa pagpapatayo niya ng beach house: Pera niyo...

Pokwang sa mga pumupuna sa pagpapatayo niya ng beach house: Pera niyo ba pinangpatayo sa bahay ko?

Hindi na nakapagtimpi si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang sa mga netizen na pinupuna ang pagpapatayo niya ng kanyang beach house sa Mariveles, Bataan.

Matatandaan na pinuna ni Tio Moreno si Pokwang dahil sa pagsasabi nito na umiiyak siya dahil sa wala siyang trabaho, ngunit nagpapatayo naman pala ito ng kanyang bahay bakasyunan.

“Hindi po bakasyon ang tawag don sir! Be sensitive naman po! Bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi gabi kasi wala kana trabaho? Pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? Bakasyon po ba yung need mo isara negosyo mo? Kung ganyan ang bakasyon edi ayoko na magbakasyon,” sabi ni Pokwang kay Spokesperson Harry Roque na sinabing matagal na daw naka ‘bakasyon’ ang mga tao.

Tinawag ng mga followers ni Tio na ipokrito si Pokwang dahil sa may pera naman pala ito.

Dito na pumalag si Pokwang sa mga netizen at sinabi na matagal ng naantala ang pagpapatayo ng kanyang beach house.

Ayon sa kanya ay 2018 pa lamang ay binalak niya ng ipatayo ito, ngunit naantala ito ng naantala dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay.

Tanong niya tulong sa mga netizen, pera daw ba nila ang ginagamit niya para punahin siya sa kanyang mga plano.

“Medyo laliman nyo pa panira sakin ng konti!!! Bwahahahaa yung bahay na sinasabi nyong pinapatayo ko ngayon ay dapat matagal ng tapos yan 2018 dapat e nabuntis ako at nag pandemia naman kaya na stop!!! woohoo babaw nyo!! pera nyo ba ginamit ko? pinagpaguran ko yon! EXCUSE ME!!”

Matatandaan na noong 2019 ay pinakita ni Pokwang ang nabili niyang lote.

Ayon sa isang website ay nagkakahalaga na ngayon ng 2-M to 7-M ang mga lote sa nasabing lugar.