Home Entertainment Kiko Matos, nagsalita na matapos niyang patulan ang vlogger na si Khifer...

Kiko Matos, nagsalita na matapos niyang patulan ang vlogger na si Khifer Brosse: “Hindi natin dapat kunsintihin ‘yung mga ganon!”

Naging usap usapan ngayon sa social media ang ginawang pananampal ng aktor na si Kiko Matos sa isang internet celebrity na si Khiffer Brosse.

Nag umpisa ang isyu matapos pumayag si Kiko sa isang ‘collab’ kasama si Khiffer na mayroon ng 1.26-M subscriber sa Youtube.

Makikita na naglalaro ng basketball ang Kiko at Khifer ng bigla na lamang mag init ang ulo ng aktor at sinoplak ang vlogger.

Napilitan na lamang tumakbo palayo si Khifer at natapos ang nasabing video habang lumalakad palayo ang aktor.

Dito na sinabi ni Khifer sa isa pang vlog na hindi ‘scripted’ ang ginawa sa kanya ni Kiko at handa siyang magsampa ng reklamo laban sa aktor dahil sa ginawa nitong pananakit sa kanya.

“Sa mga nagsasabing scripted ‘yun, totoo pong nangyari ‘yun, totoong sinampal ako ni Kiko Matos, ako wala akong pinag aralan pero hindi ko kayang manakit o manampal ng tao,” sabi ng vlogger.

“Magfi-file nalang ako ng case laban sa’yo dahil hindi ko matanggap ‘yung ginawa mo sa’kin pag sampal,”

Ayon kay Khifer ay maari naman sanang kinausap na lamang siya ni Kiko kung hindi nito nagugustuhan ang mga sinasabi niya.

“Hindi ‘yun rason para manakit ka ng tao, pwede mo naman putulin ‘yung video at sabihin na ‘wag ‘yun ang sabihin mo kasi ano ‘yan foul ‘yan sa’kin’ meron parin akong dignidad,” ani Khifer.

Samantala ay ipinaliwanag naman si Kiko sa isang video kung bakit niya nagawang sampalin ang sana’y ka-collab niya.

Kwento ng aktor, dumayo pa siya sa Cavite upang makita si Khiffer para sa kanilang collaboration para sa isang content sa Youtube.

Dahil nga nag uumpisa pa lamang sa vlogging si Kiko at pumayag siya na makipag partner kay Khifer na mayroon ng milyong subscribers.

Iginiit niya na maayos ang kanyang trato kay Khiffer ngunit hindi niya inaasahan na pagti-tripan lamang daw siya ng nasabing vlogger.

Hinamon naman niya si Khiffer na ilabas lahat ng na-record sa kanilang pagkikita ng malaman ng lahat ang diumano’y katotohanan.

“Deserve mong masampal, kulang pa nga ‘yun eh pasalamat ka hindi kita inabot, tas ngayon iiyak iyak ka sa social media, kukunin mo ‘yung simpatya ng tao, sige ako na ‘yung masama,” sabi ni Kiko.

Hindi naman natatakot ang aktor sa kasong posibleng kaharapin niya at kahit daw samahan pa niya si Khiffer sa pagsasampa ng kaso ay papayag siya.

“Gusto mo samahan pa kita kay Tulfo eh, kahit saan sasamahan kita,” hamon niya.

May mensahe din siya sa mga netizens na sumasawsaw sa isyu.

“Yun lang naman ang kaya niyong gawin, ‘yung sumasawsaw at mag comment eh, eh kung kayo yung nasa kalagayan ko, kung kayo ‘yung pinagtripan, anong gagawin niyo, magpapasalamat ba kayo? i-ki-kiss niyo sabay hug? Hindi natin dapat kunsintihin ‘yung mga ganon,” sabi niya.