Home Entertainment Ito na ngayon ang buhay ng kambal na si Joj and Jai...

Ito na ngayon ang buhay ng kambal na si Joj and Jai na dating housemate sa Pinoy Big Brother House

Sa bilis ng paglipas ng panahon madami na din ang mga hinahangaan nating mga celebrities ang hindi na natin natutunghayan sa harap ng kamera.

Image courtesy: Jai Agpangan/Instagram

Gayunpaman naging malaking parte ang tinatawag nating social media upang sila ay masilayan at masubaybayan ang mga bagong kaganapan sa kanilang buhay.

mage courtesy: Jai Agpangan/Instagram

Kung kaya lagi na tayong updated sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay nila na nakakapagbigay din satin ng kaligayahan at inspirasyon.

Image courtesy: Jai Agpangan/Instagram

Tulad na lamang ng dalawang hinahangaang kambal na ating sinubaybayan sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong 2012 na sina Joj at Jai Ampangan na matagal ding nawalan tayo ng balita sa kanila ngunit nito lamang mga nakaraang buwan ay naging usap-usapan ang mga ito dahil sa kanilang buhay na makikita sa social media.

Image courtesy: Jai Agpangan/Instagram

Kung ating dadalawin ang social media ng kambal ay ating mapapansin na madami silang pinagkakaabalahan at isa na dito ang pag endorse ng iba’t-ibang mga produkto.

Maliban dito nagagawa din ng dalawa ang mag vlogging na kung saan humahakot sila ng madaming mga views at likes mula sa kanilang mga masugid na tagahanga.

Image courtesy: Jai Agpangan/Instagram

Hindi man pinalad ang dalawa na manalo sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 ay kitang-kita naman na patuloy pa din ang pagpasok ng biyaya sa kanilang buhay. Masasabi mo na lang talaga na iba ang dalang karisma ng dalawa na mapapahanga ka.

Image courtesy: Jai Agpangan/Instagram

Ang kambal na sina Joj at Jai ay ipinanganak noong Septyembre 3 taong 1995 at kasalukuyang 26 na taong gulang na silang dalawa.

Image courtesy: Jai Agpangan/Instagram

Kasama ang kambal sa Big 4 ng programang Pinoy Big brother Teen Edition noong 2012. Hindi man pinalad manalo sa nasabing patimpalak ay hindi ito naging dahilan upang sumuko ang dalawa sa kanilang pangarap at mas nakilala pa nga sila nang sila’y gumanap sa ilang mga programa sa telebisyon.

Madami man ang mga pagsubok sa kanila nitong mga nakaraang taon ay patuloy pa din ang kanilang pag usad para sa ikakabuti ng kanilang buhay.