Home Entertainment Kubang Lola, Patuloy Pa Rin Sa Pagtitinda Sa Kabila Ng Kanyang Kapansanan,...

Kubang Lola, Patuloy Pa Rin Sa Pagtitinda Sa Kabila Ng Kanyang Kapansanan, Umantig Sa Mga Netizens

Matiyaga pa ring nagtitinda ang lolang ito ng kaniyang mga panindang puto upang may maipangtawid araw-araw, kahit pa tila hirap na hirap na …

Matiyaga pa ring nagtitinda ang lolang ito ng kaniyang mga panindang puto upang may maipangtawid araw-araw, kahit pa tila hirap na hirap na ang matandang babae dahil sa kaniyang kondisyon.

Naging usap-usapan ang litratong ito ng isang kubang lola na naglalako ng mga puto. Isang concerned citizen ang nagbahagi ng nakakahabag na pinagdaraanan ng lolang ito sa social media.

Ayon sa post, araw-gabi raw na naglalako ang matanda ng kaniyang tinitindang puto. Madaling araw pa lamang daw ay umaalis na ito sa bahay nito, dala-dala ang basket na may lamang mga puto na kaniyang ititinda. Kahit pa nga raw tirik na tirik ang araw, hindi mapipigilan ang Lola na magikot-ikot sa mga lugar upang maubos na ang paninda nito.

Ang dahilan kung bakit patuloy ang pagsisikap ng matanda na maubos lahat ng kaniyang inilalako ay upang may maipangkain siya at ang kanya pang dalawang apo, na iniwan daw sa kaniya ng anak. Hindi na raw muling nagpakita ang anak niyang iyon matapos silang iwanan. Wala na rin daw itong suportang ibinibigay sa dalawang anak nito.

“Nakasabay ko lang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda siya ng puto tuwing madaling araw. Kahit pa ganyan ang katawan niya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin niya ang dalawang apo niya na iniwan ng anak sa kaniya,” saad ng netizen na nagbahagi ng mga litrato.

Marami ang nahabag sa kalagayan ng matanda. Mayroon ding nag-alok ng kaunting tulong at iba pang handog, kahit maliit lamang. Ang iba naman ay tinawag ang atensiyon ni Raffy Tulfo upang matulungan ang matandang babae sa kaniyang sitwasyon.

Nanawagan din ang ibang netizens sa anak nito, na nanay ng mga bata, upang magpakita na at suportahan ang dalawang anak nito upang hindi na mahirapan pa ang Lola sa paghahanapbuhay.