Home Entertainment Celebrity Couple Glydel Mercado At Tonton Gutierrez Ibinahagi Ang Sikreto Sa Mahigit...

Celebrity Couple Glydel Mercado At Tonton Gutierrez Ibinahagi Ang Sikreto Sa Mahigit Dalawang Dekadang Pagmamahalan

Ang isang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan, upang tumibay at magkaroon ng mahabang panahon na pagsasamahan, ay mayroong kanya-kanyang sikreto na kanilang iniingatan. Tunay ngang nakakabilib, kapag tayo ay nakababatid ng mga mag-asawa o magkasintahan, na halos ilang dekada ng magkasama, at patuloy pa ring nagmamahalan sa kabila ng maraming pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Ang celebrity couple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, ay kabilang sa mga mag-asawa na talaga namang nakakabilib na ang tagal ng pagsasama. Ito ay dahil nga isa sa sila sa mga mag-asawa sa showbiz, na mahigit dalawang dekada na ang pagmamahalan.

Ano nga kaya ang sikreto ng mag-asawang ito, at kahit na nabibilang sila sa mundo ng showbiz na batid nating puno ng intriga at kontrobersiya, ay napanatili pa rin nilang matatag ang kanilang pagsasama?
Halos 22-taon na nga ang lumipas ng magkakilala at maging magkasintahan ang celebrity couple, at halos nasa 17-taon na rin silang kasal sa isa’t isa.

Bago pa man nga naging mag-asawa sina Glydel at Tonton, ay anim na taon munang naging magkasintahan ang dalawa. At matapos nga ang anim na taon na relasyon bilang mag boyfriend-girlfriend, ay ikinasal sila sa Sanctuario de San Antonio Parish sa Forbes Park.

Ang kanilang pagsasamang mag-asawa, ay nabiyaan ng dalawang anak na babae, ito nga ay sina Aneeza at Anneka. Ang mag-asawa ay ‘open’ sa kanilang mga anak, at madalas nga umano nilang maging bonding ay ang paglalaro ng golf.

Samantala, sa isa ngang panayam ng TV host-comedienne na si Eugene Dominggo sa mag-asawa, sa Celebrity Bluff, ay ibinahagi nina Glydel at Tonton kung ano ang sikreto ng matagal at matatag nilang pagsasama.

Ayon nga sa mag-asawa, napakasimple lamang naman ng mga bagay na kanilang ginagawa sa kanilang pagsasama, at ito nga ay ang pagkakaroon ng simpleng buhay, simpleng mga gusto at pangangailangan, at kung may mga pagkakataon nga na nagkakaroon sila ng ‘mis-understanding’ dalawa, ay kaagad nila itong pinag-uusapan upang hindi na ito lumaki pa.

Bukod pa dito, hindi umano iniisip ng mag-asawa ang showbiz side ng kanilang relasyon.
“We just went on with the marriage, we just went on the life. Wala kaming iniisip na baka ganito, ganyan. We just keep our lives simple”, pahayag ng mag-asawa.

Ibinahagi rin ng mag-asawa, na noong magkasintahan pa sila ay naghiwalay na rin sila dahil sa pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa malaking pagtatalo. Ngunit, bandang huli ay naayos naman nila ito, at nagkabalikan nga sila, kung saan simula noon, ay hindi na sila madalas pang nag-aaway hanggang sa sila nga ay mag-asawa a at bumuo na ng kanilang pamilya.