Home Entertainment Mag-asawang Kaye Abad at Jake Castillo, masayang ibinahagi ang gender reveal ng...

Mag-asawang Kaye Abad at Jake Castillo, masayang ibinahagi ang gender reveal ng kanilang 2nd baby sa pamamagitan ng maiksing video na ito!

Kaye Abad at Paul Jake Castillo may baby number 2 na!

Ito ang masayang balita na ibinahagi ng mag-asawang Kaye at Paul Jake.

Magkakaroon na kasi sila ng baby number 2. Ang kanilang panganay ay si Joaquin. Sa ngayon, simpleng pamumuhay na lamang ang pinili ng mag-asawa.

Si Kaye ay kilalang magaling na aktres simula pa noong siya ay dalaga pa. Nakilala siya sa kanyang galing sa pag arte teleserye man o pelikula.

Habang si Paul Jake naman ay nakilala nang siya ay sumali sa reality show na Pinoy Big Brother. Matapos ang kanyang PBB journey, nabigyan ng big break sa showbiz industry and binata.

Hanggang sa naging magkarelasyon ang dalawa. Sa katunayan, naging engrande ang proposal ni Paul Jake para kay Kaye na isinabay niya noon sa birthday ng kanyang nobya.

Ikinasal sila noong December 2016 at nabiyayaan ng anak na lalaki na si Joaquin.

Ipinanganak ni Kaye ang kanilang panganay noong December 23, 2017, kasabay ng 33rd birthday ng kanyang asawa.

Ngayon nga ay binyayaan na ng pangalawmag supling ang celebrity couple.

Sa kanyang Instagram, nag bahagi ng maikling video ang dating aktres na kuha sa kanilang gender reveal.

Makikita sa video na hawak ni Kaye ang isang papel kung saan nakalagay ang gender ng kanilang baby number 2.

Nang masilip at mabasa ang resulta, agad naman pinili ni Paul Jake ang party popper na may laman na blue confetti at tsaka ipinutok ito upang ma-reveal ang gender ng kanilang second baby.

Ayun na nga! Another baby boy ang ibinigay sa mag-asawa na siyang ikinatuwa naman ng kanilang family and friends.

Congratulations, Kaye and Paul Jake!