Home Entertainment Andi Eigenmann, tinupad ang hiling ng kanyang anak na si Ellie bago...

Andi Eigenmann, tinupad ang hiling ng kanyang anak na si Ellie bago ito bumalik sa Manila para magbakasyon kasama ang kanyang daddy na si Jake Ejercito

Ang masayang family bonding ng Happy Islanders ay trending pa din ngayon sa YouTube, dahil ito sa panibagong video na inilabas ng aktres na si Andi Eigenmann sa kanilang YouTube channel ang Happy Islanders.

Mula sa masayang pamumuhay sa Isla ng Siargao, ay sinigurado ni Andi na magiging espesyal ang kanilang family bonding lalo na at ito ang huling araw na kaniyang makakasama ang kaniyang anak na si Ellie.

Credit: Happy Islanders Youtube

Ayon sa aktres ay nakatakdang magbakasyon si Ellie sa Maynila kasama ang kaniyang Daddy na si Jake Ejercito.

Kaya naman sa huling araw na makakasama ang kaniyang anak, ay kaniyang tinupad ang request nitong mag swimming at mag bonding kasama ang kanilang pamilya at ilan sa mga kaibigan ng kaniyang anak sa Isla.

Credit: Happy Islanders Youtube

Makikitang nagpunta sina Andi sa Siargao Inn upang dito gawin ang request ni Ellie at makikitang isang masayang family bonding ang kanilang pinagsamahan.

Tila`y mapapansin naman na labis na nag-enjoy si Ellie sa swimming nila kasama ang kaniyang mga kaibigan, lalo na ang kapatid nito na si Lilo.

Credit: Happy Islanders Youtube

Habang karga-karga naman ni Andi ang kanilang bunsong anak na si Baby Koa, ay makikita namang nag-enjoy rin ang kaniyang fiance na si Philmar Alipayo sa masarap na pagkaing in-order nito.

Sa huling bahagi ng video ay pinasalamatan nina Andi at Philmar ang kanilang mga supporters, dahil ang Happy Islanders ay umabot na sa 2 milyon ang kanilang subscribers sa YouTube.

“We’re reviewing the video of our last day with Ellie. Obviously nasa Manila na siya ngayon. Now, Happy Easter, kami na lang here but we want to take this opportunity to thank you for all the love.”

Dahil diyan ay labis na nagbigay ng pasasalamat sina Andi at Philmar sa walang sawang suporta at pagmamahal na ibinigay sa kanila ng kanilang mga supporters.

Credit: Happy Islanders Youtube

“While Ellie`s having fun in Manila, kami tuloy-tuloy pa rin ang mga Happy Island videos namin for you guys, so continue watching out for our videos every week, thank you thank you so much for your support.”