Home Entertainment BOYFRIEND NI SOFIA ANDRES NA SI DANIEL MIRANDA, GAANO NGA BA KARANGYA...

BOYFRIEND NI SOFIA ANDRES NA SI DANIEL MIRANDA, GAANO NGA BA KARANGYA ANG BUHAY?

Ginulat ng aktres na si Sofia Andres ang publiko nitong Hunyo ng nakaraang taong 2020 ng kanyang ianunsyo ang pagkakaroon niya ng anak sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Simula ng kumalat ang balitang pagkakaroon ng anak ni Sofia, ay hindi na naiwasan ng mga taga hanga ng aktres na mas makilala pa ang ang ama ng kanyang anak at kung sino nga ba itong bumihag sa puso ng napakagandang aktres ng kanyang heneresyon.

Ayon sa mga balita si Daniel Miranda ay isang sikat na international car racer. Marami na itong sinalihang iba’t ibat kompetisyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Lagi umanong full support si Sofia sa mga kompetisyon na sinasalihan ng kanyang nobyo.

Samantala, Maliban sa pagiging isang popular na car racer napag alaman rin na si Daniel Miranda ay nagmula sa isang marangyang pamilya- ang pamilya Lhuillier.

Apo lang naman siya ng mayamang mag asawa na sina Edna Diago Lhuillier at Phillipe Lhuillier na nag mamay-ari sa isa sa pinakamalaking pawnshop sa buong Pilipinas at mayroong napakaraming branches sa ibat ibang parte ng bansa.

Ayon sa mga balita, ang ama ni Daniel na si Martin Miranda ay isang rin magaling at propesyunal na car racer at dito nakuha ng binata ang hilig nito sa nasabing sports. Isa rin itong professional karter, motorcross rider. Isang matagumpay na negosyante naman ang ina ni Daniel na si Angelique Lhuillier.

Si Phillipe Lhuiller na lolo ni Daniel ay sinasabing isa sa pinaka respetadong tao sa bansa.

Samantala, ang ina naman ni Daniel na si Angelique ay co owner ng isang auction house sa Paranaque ito ay ang palacio De Memoria na mas kilala ngayon sa tawag na Casa De Memoria.

Ang Palacio De Memoria ay itinuturing na ‘heritage house’ mga pamilya Lhuillier dahil makikita sa loob ng mansyon na ito ang iba’t ibang mamahaling kagamitan ng pamilya na sinasabing milyon ang halaga bawat isa.

Maliban sa mga mamahaling ari-arian nilang ito, nagmamay ari din ang kanilang pamilya ng mga pribadong eroplano na nakapark sa mismong bakuran ng kanilang bahay.

Ang pagkahilig si Daniel Miranda sa car racing ay nagsimula noong siya ay bata pa. Habang siya ay lumalaki nagpursige itong matuto at makilala sa larangang ito.

Narito naman ang komento ng ilan sa mga netizens.