Home Entertainment JM De Guzman, Binalikan ang Masayang Samahan Nila ng Aktres na si...

JM De Guzman, Binalikan ang Masayang Samahan Nila ng Aktres na si Arci Muñoz noong Magkaklase pa Lamang Sila sa UP Diliman

Kamakailan lamang nga ay kinakiligan ang mag-best friends na sina JM De Guzman at Arci Muñoz. Ito ay matapos ang nakakakilig na post ni Arci na “from bestfriends to lovers” sa Instagram kung saan ay humakot ng interes ng publiko. Marami nga ang natuwa na ang mag-BFF ay naging “lovers” na. Ngunit, ayon sa ulat at huling update ni Arci ay prank lamang ito.

Makikita naman kung gaano talaga katibay ang pagkakaibigan nina JM at Arci. Ngunit, paano nga ba nagsimula ang kanilang pagkakaibigan?

Sa programa ni Tito Boy na ‘Tonight With Boy Abunda’ ay nakapanayam si JM at Arci, kung saan binalikan nila ang kanilang magandang samahan noong magkaklase pa lamang sila, at hindi pa sumasabak sa pag-aartista.

Makikita ang isang throwback photo kung saan masisilayan ang inosenteng mga mukha nina Arci at JM. Ito ay kuha noong taong 2005 sa University of the Philippines kung saan ay magkaklase pa lamang sila.

Ayon naman kay Arci, nang una niyang makita si JM ay akala raw niya ay ‘gay’ ito. Ngunit, ang maling akala niya para sa aktor sa loob ng ilang taon ay naglaho nang makita niya itong may girlfriend.

Pag-amin naman ng aktor ay madalas talaga siyang mapagkamalang ‘gay’, ngunit mariin naman itong itinatanggi ng aktor. At alam niya sa sarili niya, na isa talaga siyang tunay na lalaki.

Makikita naman talaga sa pisikal na anyo ni JM ang magandang katangian sa taglay nitong kagwapuhan at angking kakisigan. Hindi naman maikakaila na maraming babae ang humahanga at nagkakandarapa para sa aktor.

Samantala, para naman kay JM, una niyang nakilala si Arci bilang isang mahinhin na babae. Ayon kay JM, kapag wala ito sa sarap ng camera ay isang mahinhin at mahiyaing Arci ang kanyang nakikita, na kung saan, ay klase ng babae noong una niyang nakilala. Ngunit, hinahangaan niya ang kanyang kaibigan dahil kapag nasa harap na ito ng camera, ay na tutunan na nitong baguhin ang karakter na talaga namang napakahusay umarte.

At sa loob nga ng maraming taon ay talagang nasubok na ang kanilang pagkakaibigan. Ang dating magklase, pagkatapos ng 14 taon, ay nagkasama sila sa isang romantic-comedy na “Fool Show”. At nagkasama rin sa teleseryeng napanood sa ABS-CBN noon, ang “Pamilya Ko”