Home Entertainment Nakakatuwa pagmasdan ang magpinsan na anak ni Erwan Heusaff at Solenn Heusaff...

Nakakatuwa pagmasdan ang magpinsan na anak ni Erwan Heusaff at Solenn Heusaff na magkasamang lumalaki

Masarap pagmasdan sa isang lumalaking pamilya ang sabay na paglaki ng mga magkakapatid at magpipinsan. Dito nabubuo ang samahan na walang makakasira at pagmamahalan na walang katulad.

Laking tuwa din ng mga magulang ng mga bata na makita ang kani-kanilang mga anak na masaya na kasama ang isa’t-isa. Tulad ng kanilang mga anak ang mga magulang naman ay nagkakaroon ng mas malalim na pagkakaintindihan at samahan sa bawat isa.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Halimbawa na lamang ng mga anak ng magkapatid na Erwan at Solenn Heusaff na nakakatuwa na pagmasdan na sabay na lumalaki ang mga ito.

Sa post na makikita sa Instagram account ni Erwan ay mapapansin ang nakakatunaw ng puso, napakakyut at nakakatuwang litrato ng mag pinsan na sina Dahlia at Thylane na magkahawak ang kamay habang nakasandig sa dibdib ni Erwan.

Kung ating pagmamasdan ay tila sila’y mga anghel na nakatitig lamang sa isa’t-isa na puno ng pagmamahal. Pabiro naman na kapsyon ni Erwan ay may bagong ama na ang anak ni Nico Bolzico at Solenn Heusaff.

Marami sa mga netizens ang natuwa sa nakitang litrato at napakomento na lamang na magandang pagmasdan ang magpinsan dahil habang nakatitig umano ang mga ito sa isa’t-isa ay magkahawak pa ang kanilang kamay. Umani din ito ng isang katutak na likes na senyales lamang na madami ang natutuwa sa kaganapan na ito.

Kung ating natatandaan na ang asawa ni Erwan ay walang iba kundi si Anne Curtis samantala ang kanyang kapatid naman na si Solenn ay asawa naman si Nico Bolzico.

Nakaraang taon lamang ipinanganak ang anak nina Solenn at Nico na si Thylane at nito lamang nagdaang Enero 1 ay ipinagdiwang nila ang unang kaarawan ng kanilang anak.

Samantala ang anak naman ni Erwan at Anne na si Dahlia ay ipinanganak din noong nakaraang taon at nito lamang nagdaang Marso 2 ay ipinagdiwang ang kanyang unang kaarawan.