Home Entertainment Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli Nagkaroon Ng GroundBreaking Ceremony Sa Batangas Kung...

Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli Nagkaroon Ng GroundBreaking Ceremony Sa Batangas Kung Saan Itatayo Ang Kanilang Future Home

Sa kabila nga ng maraming mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang relasyon, at pagiging kontrobersyal ng kanilang naging pagpapakasal, ngayon nga ay isang taon ng nagsasama ng masaya na may nag-uumapaw na pagmamahalan ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Matatandaan na noong magpakasal ang dalawa, ay isa nga ito sa mga naging kontrobersyal na kasalan na naganap noong nakaraang taon, dahil sa naging pagtutol nga ng ina ng Pops Star princess. Ngunit sa kabila nga nito, ay hindi naman natinag ang kanilang pagmamahalan ni Matteo, at mas lalo pa nga nila itong ipinaglaban kaya naman ngayon ay kitang-kita nga na sila ay masaya sa kanilang pagsasamang mag-asawa.

At ngayon nga na nagdiwang na ng kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa sina Sarah at Matteo ay tila nga nagsisimula na ring paghandaan ng mag-asawa ang magiging pagbuo nila ng kanilang pamilya.

Isa nga sa mga inihahanda na ngayon ng mag-asawa sa pagbuo nila ng kanilang pamilya, ay ang magiging pagpapatayo nila ng kanilang magiging future home, na ayon nga sa mga ulat, ay itatayo sa isang lugar sa Batangas.

Noon nga lamang nagdaang ika-26 ng Marso ay naging laman ng social media ang mag-asawa, ito nga ay matapos mamataan ang naging ground breaking ceremony nila para sa paglalatayo nila ng kanilang future home sa nabanggit na probinsya.

Ang ginanap nga umanong ground breaking ay mas naging espesyal na araw, dahil mismong ng araw na ginanap iyon ay ang mismong kapanganakan din ng aktor na si Matteo Guidicelli, kung saan ay nagdiwang ito ng kanyang ika-31 taong kaarawan.

Makikita nga sa mga kumalat na larawan nina Matteo at Sarah ng araw na iyon, ang ilan sa mga larawan nila kung saan ay may hawak hawak nga sila na pala, na siya nganag pagbibigay hudyat ng pagsisimula ng konstraksyon ng kanilang magiging future home.

Maliban sa larawan na ito, ay mayroon namang video, na maririnig naman ang naging pag-awit ng birthday song para kay Matteo.

Base naman sa naging ulat ng Facebook page ng Nasugbu, Batangas ang groundbreaking ceremony para sa future home ng celebrity couple ay naganap sa Peninsula De Punta Fuego, kung saan ay hindi nga maikakaila na isa itong magandang lugar para sa mag-asawa dahil sa maliban sa malayo ito sa polusyon ay taglay rin nito ang tanawin na magbibigay sa kanila ng nakaka-relaks na pakiramdam.

Kaabang abang nga naman ito para sa mga tagahanga ng mag-asawa na naghihintay makita kung ano ang magigung hitsura ng kanilang tahanan na siyang magiging kanlungan ng pamilyang bubuuin nila.