Home Entertainment Regine Velasquez-Alcasid malungkot sa nangyayari sa bansa: “Bakit parang pinabayaan na lang...

Regine Velasquez-Alcasid malungkot sa nangyayari sa bansa: “Bakit parang pinabayaan na lang tayo?”

Hindi na nakapagpigil pa ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid at inilabas narin nito ang kanyang hinanakit sa nangyayari sa bansa ngayon.

Sa isang tweet, hindi naiwasang mapatanong ni Regine kung pinapabayaan na nga ba ang mga tao sa bansa dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng nakakahawang sakit.

“Bakit parang pinabayaan na lang tayo? Kanya kanya matira mayibay ganon na lang ba talaga? Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening??” tanong ni Regine.

May ilang netizen naman ang sinagot ang katanungan ng sikat na singer at sinabi na wala naman daw may gusto na mangyari ang pandemya sa bansa.

Hinimok din ang singer na huwag sisihin ang gobyerno sa mga nangyayari.

“Hindi tayo pinabayaan, walang gusto sa kung anong nangyayari satin ngayon… We just need to pray and help each other out! Huwag nating isisi sa gobyerno lahat… We can do things even small things to help others, lalo na kung may kakayanan tayo para tumulong…” ani netizen @kayelocca.

“Ahm. Actually hindi lang sa Pilipinas nangyayari to. Even in rich and powerful countries, nangyayari din sya. Hindi sya exclusive sa Philippines,” sabi ni @stylebyadriel.

“Idol wag sanang O.A kakatanggap lang ng family at friends ko ng panibagong ayuda and di tayo nag iisa buong Mundo po idol nahihirapan hindi lang tayo,” saad ni @justinImperiaaal.

Matatandaan na tumaas ang kaso ng nakakahawang sakit sa bansa sa makalipas na linggo kaya naman ay ibinalik ang ECQ sa iba’t ibang parte ng Luzon, kasama na dito ang Metro Manila.