Home Entertainment Nagpasalamat si Bea Alonzo sa mga netizens para sa mga magagandang komento...

Nagpasalamat si Bea Alonzo sa mga netizens para sa mga magagandang komento nila sa napakagandang farm ng aktres

Makikita sa Instagram account ng aktres na si Bea Alonzo ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na nagbigay ng kanilang mga positibong komento tungkol sa pagtour nito sa kanilang farm.

Nito lamang nakaraang Sabado Marso 13 ay inilibot tayo ni Bea Alonzo sa kanilang 16-hectare Beati Firma farm na matatagpuan sa Zambales. Marami ang natuwa at nagulat sa napakalawak na farm na pagmamay-ari ng pamilya nina Bea.

Saad ng aktres na nakuha nila ang lupaing ito noong taong 2011 at kanilang nadiskubre ito sa tulong ng isang beteranong aktres na si Isabel Rivas.

Isa sa mga tumulong sa kanila upang malagyan ng bakod ang nasabing farm ay ang kaniyang kaibigan na isang retired American soldier.

Ang ilang bahagi ng nasabing farm ay napagtatamnan ng mga puno ng mahogany na may bilang na limang libo na sa ngayon ang nasabing puno ay may edad na walong taong gulang na at sa kalaunan ay kanilang mapakikinabangan dahil maaaring bilhin ng mga furniture designers.

Mayroon din itong cattle pen na kung saan ay malayang nakakapag-ikot ang mga baka, mga puno ng manga at mga poste ng solar-powered light.

Tunay nga na kahit anong hirap ng ating buhay at dami ng pagsubok na pinagdadaanan ay hindi mo malabong marating at makuha ang mga nais mo sa buhay kung ikaw ay may sipag at tiyaga at nariyan ang mga taong nagiging inspirasyon mo sa lahat ng ito.

Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o mas kilala sa tawag na Bea Alonzo ay ipinanganak noong Oktubre 17, 1987 sa Cainta, Rizal. Ang kaniyang ama ay isang British at ang kaniyang ina naman ay si Mary Anne Ranollo.

Ang kaniyang mga magulang ay hiwalay na at siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Nakapagtapos ang aktres sa kursong BS Psychology ngunit mas pinili nito ang maging isang modelo at aktres.