Home Entertainment Katya Santos, Nananaig Pa Rin Ang Kagandahan At Kaseksihan Kahit Isa Na...

Katya Santos, Nananaig Pa Rin Ang Kagandahan At Kaseksihan Kahit Isa Na Siyang Mommy

Iba ibang artista ang dumarating sa bawat taon, sa mga panahong ito ay nagiiwan din sila ng mga alaala sa kanilang mga audience at tagahanga. Ganun na rin din si Katya Santos na sikat na sikat noon na aktress.

13 anyos pa lamang si Katya nang sumalang ito sa mundo ng showbiz. Dala dala ang galing nito sa pagarte, maamuhin na mukha at magagandang ngiti, si Katya ay isa sa mga artista na hinahangaan noon. Parte ito ng programang “Ang TV” at “Oki Doc” noong kabataan nito at sa pagdating ng panahon ay mas lalo itong sumikat nang ipamalas na nito ang kaseksihan sa media.

Hindi naman ito nagpapahuli sa iba pang magaganda at seksing kasama nito noong nasa grupo ito ng ‘Viva Hot Babes’. Kasama niya sa grupo sina Maui Taylor, Gwen Garcia at Andrea del Rosario. Hanggang ngayon ay pinananatili nito ang kanyang imahe bilang seksi at magandang aktress bagamat taon na rin ang lumipas mula ng sumikat ang grupo.

Naging parte rin ito ng teleserye na sikat na sikat noong 1996 – 2002, ang ‘Anna Karenina’ at ginampanan ang karakter ni Carla. Dumating ang panahon na nagpasya na muna si Katya na lisanin ang showbiz at magdesisyon na magpokus sa pamilya.

Nakilala ni Katya ang kanyang asawa na si Anton na isang coaching staff sa MAPUA collegiate basketball team at onti-onting nahulog ang loob sa kaniya. Nagkapalagayan ang loob nila hanggang sa nauwi ito sa kasalan noong 2013. Nagkaroon naman sila ng isang anak na babae na si Tala.

Sa ngayon ay masayang masaya na ito sa kanyang buhay kasama ang pamilya. Payapa at simple at sa mga dumaang panahon ay napapanatili nito ang kanyang kagandahan at kaseksihan. Active na active ito sa social media at madalas na magbahagi ng mga posts na tungkol sa kanyang pamilya. Dito na nahanap ni Katya ang kaligayahan na hindi niya nakita sa showbiz.