Home Entertainment Walong magkakapatid na naulila ng ama at iniwan ng sariling ina, hinandugan...

Walong magkakapatid na naulila ng ama at iniwan ng sariling ina, hinandugan ni Raffy Tulfo ng bahay at lupa

Dahil sa isang nagviral na larawan sa social media ng isang batang 3 taong gulang, na tila akala niya na natutulog lamang ang namayapang ama. Ang kaawa-awang mga bata na naghihignapis sa pagkawala ng kanilang ama ang hinandugan ng tulong ng programa ni Idol Raffy Tulfo. Binigyan ang mga naulilang mga batang ito ni Idol Raffy ng Php 50,000 para sa kanilang mga pangangailangan, dahil nagpag-alaman pa ng programa na hindi lang basta naulila ang mga batang ito, bagkus iniwan pa di-umano sila ng kanilang sariling ina.

Kaya hindi nagdalawang isip si Idol Raffy na tulungan ang mga batang ito na sa mura nilang kaisipan ay agad na silang naulila sa ama at naabandona pa ng ina. Samantala may mga netizens na naawa sa sitwasyon ng mga bata kaya nagbigay sila ng kanilang mga suhistiyon na bakit hindi nalang bilhan ng lupa at patayuan ng bahay ang magkakapatid. Mabuti na lamang sa isang serye ng programa ni Idol Raffy, nakapanayam niya ang butihing alkalde ng Oroquieta City, Misamis Occidental na si Mayor Lemuel Mayrick Acosta.

Ayon sa napag-usapan nina Idol Raffy at Mayor Lemuel, napagkasunduan nila na si Mayor na ang mag-aasikaso sa lupang pagtatayuan ng bahay para sa magkakapatid. Ang gagastusin naman para sa pagpapatayo ng bahay ay sagot na ni Idol Raffy.
Dahil sa masaklap ang naging karanasan ngayon ng 8 magkakapatid na ito, higit silang nangangailangan ng tulong.

Nasa pangangalaga naman ng DSWD ang magkakapatid at kay Mercilita Babao Itom na siyang nagpost sa social media ng nag-viral na larawan, na siyang naging daan upang mapansin ang kalagayan ng magkakapatid. Sa pagkakaroon ng magkakapatid ng sarili nilang bahay, ang mga nakakatandang mga kapatid na lamang ang mag-aalaga sa kanilang mga nakakabatang mga kapatid, basta’t ang mahalaga mayroon silang sariling tahanan na kanilang matatakbuhan.

Mayroon namang mensahe si Idol Raffy sa ina ng magkakapatid na nang-iwan sa kanila. Huwag na huwag na raw niyang balikan ang mga anak kung sakaling maipatayo na ang bahay para sa kanila at maging maayos na ang buhay ng mga ito. Sa kabila ng kanilang nakakalungkot na sitwasyon may mabubuting tao pa rin ang kanilang nagiging gabay upang sila ay matulungan. Nawa’y maging maayos ang buhay ng magkakapatid na ito hanggang sa pagdaan pa ng maraming mga taon.