Home Entertainment Billy Crawford Mas Lalo Umanong Napa Hanga Ng Asawang Si Coleen Garcia...

Billy Crawford Mas Lalo Umanong Napa Hanga Ng Asawang Si Coleen Garcia Sa Kanilang Ika-3rd Wedding Anniversary

Tunay ngang kay bilis ng paglipas ng oras at araw, dahil parang kailan lamang ng idiwang ang pag-iisang dibdib nina Billy Crawford at Coleen Garcia at ngayong taon nga ay nasa ika-3 taon na pala nilang ipagdiriwang ang pinaka-espesyal na araw sa buhay nilang mag-asawa kung kailan nga sila nagsumpaan ng pag-ibig sa isa’t isa.

Matatandaan na sina Coleen at Billy ay ikinasal noong ika-20 ng Abril taong 2018 sa isang intimate weddingceremony na ginanap sa luxury island resort sa Balesin sa Polilo, Quezon.

At para nga sa pagdiriwang ng kanilang ika-3rd wedding anniversary ay nagbahagi ng isang matamis na mensahe sa isa’t isa sina Billy at Coleen. Si Billy ay nag-post ng sweet message para sa kanyang misis, kung saan ay ipinahayag niya kung gaano niya hinahangaan at mas lalo pang minamahal ito dahil sa pagiging napakabuti at mapagmahal nitong asawa sa kanya at ina naman sa kanilang anak na si baby Amari.

“Happy happy 3rd anniversary my love! Seeing you walk down the isle was so beautiful. But coming home to this and seeing you become an amazing mom and even a better wife, now that’s pure beauty” mensahe ni Billy.

Dagdag pa nga niya, naway patuloy na gabayan ng Panginoon ang pagsasama nilang mag-asawa at panatilihing matatag at buo ang kanyang pamilya. “Happy anniversary and I love you so so much! I pray that God will continue to bless us and guide our family to joy and success! [Cheers] my love! [three red heart emoji] I came home to this by the way!”

Kalakip nga ng mensahe na ito ni Billy para sa kanyang misis ay ang isang video kung saan makikita na bini-breastfeed ni Coleen ang anak nilang si baby Amari. Samantala, mayroon din namang mensahe si Coleen para sa mister niyang si Billy Crawford, kung saan ay inihayag nga niya kung gaano niya ito kamahal at gaano niya na-appreciate ang lahat ng ginagawa nito para mabigyan sila ng maganda at kumportableng buhay ng kanilang anak.

“Happy (est) anniversary, my love! [red heart emoji] Thank for assuring me every day that you love, appreciate, value, understand, and support me no matter what. You’re all I’ll ever need in a partner”, ani Coleen.

“I’m so thankful for you and so proud of the husband and daddy that you are. You continue to grow so much because you are so humble and you genuinely care and want to be better for the people in your life.

thank you for giving us your all, and for keeping us in your mind in everything you do! Three cheers for three years of marriage, and for our little family of three! I’ll never stop thanking God for the both of you”, dagdag pa niya.

Ang mag-asawang Coleen at Billy ay naging ganap na mga magulang noong ika-10 ng Setyembre taong 2020, matapos ngang maayos na maisilang ni Coleen via water birth delivery ang isang malusog na baby boy na si baby Amari, ang kanila ngang panganay at napaka-kyut na anak.