Home Entertainment Andrea Brillantes, naiyak sa hiya sa mga nanood sa kanyang video: “Sobra...

Andrea Brillantes, naiyak sa hiya sa mga nanood sa kanyang video: “Sobra akong nahihiya na yun yung napanood niyo”

Naiyak na lamang ang aktres na si Andrea Brillantes matapos ang kanyang gaming livestream.

Sa kanyang Instagram stories, nagbigay ng komento si Andrea tungkol sa kanyang karanasan sa nasabing livestream at sa kalagitnaan ng kanyang pagku-kwento ay naiyak na lamang siya bigla.

Ayon sa kanya ay hindi niya inaasahan na aabot ng mahigit 400,000 ang views ng kanyang livestream.

“Gusto ko sabihin na nahihiya ako ng sobra pero thank you sa mga nanood, pero nahihiya ako ng sobra kasi hindi ako player tas lag pa ako.” ani Andrea.

“Siguro pinagtatawanan na nila ako, sinasabi na nila na bakit ba ako naglaro, buti na lang artista ka.” dagdag niya pa.

Hiyang hiya naman si Andrea at naiisip niya na baka pinagtatawanan lamang siya ng kanyang mga viewers dahil sa hindi naman daw siya kagalingan sa paglalaro ng games.

“Kaya ako umiyak kasi sobra akong nahihiya na yun yung napanood niyo kasi hindi talaga ako magaling, alam ko naman yun. Feeling ko lang pinagtatawanan ako ng mga tao kasi iba yung ways ng paglalaro ko, pang-feed lang ako.” kwento niya pa.

Matatandaan na isa si Andrea sa mga nakilahok sa event ng larong Mobile Legends.

Hindi naman kataka taka na madaming makukuhang views si Andrea dahil sa milyon milyon ang kanyang followers sa social media.