Home Entertainment Ogie Diaz, may mahalagang payo kay Vice Ganda: “Mag anak ka na!”

Ogie Diaz, may mahalagang payo kay Vice Ganda: “Mag anak ka na!”

Ibinahagi ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang isang mahalagang payo niya sa komedyante na si Vice Ganda.

Sa kanyang vlog, sinabihan na ni Ogie ang 45-anyos na komedyante na gumawa na ng paraan para siya ay magkaroon na ng anak.

Ibinahagi ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang isang mahalagang payo niya sa komedyante na si Vice Ganda.

Sa kanyang vlog, sinabihan na ni Ogie ang 45-anyos na komedyante na gumawa na ng paraan para siya ay magkaroon na ng anak.

Ang problema lang daw kay Vice ay hindi talaga ito interesado na makipagrelasyon sa babae at “nandidiri” ito kapag pumapasok ito sa kanyang isipan.

Pero ayon kay Ogie ay maari namang idaan sa tulong ng siyensya ang pagkakaroon ng anak.

“Dahil ‘yun din naman ang sabi ni mommy Rosario, nanay niya na, ‘para saan itong mga (malaking bahay) pinaghirapan mo kung wala ka namang pamamanahan. Kaya gusto ni nanay na magka-anak si Vice ng dugo’t laman niya,” ani Ogie.

“Not necessarily dyu-dyug siya ng girl kasi may ibang way, di ba sa Thailand na pagpunta mo ro’n mamimili ka ng mga egg (cell) doon na ang may-ari architect, engineer, doktora para sa (talino) ng bata, mamimili ka.” dagdag niya pa.

Handang handa si Ogie na tulungan si Vice kung sakali na makapag isip na ang komedyante.

“Willing ko siyang samahan sa (Thailand), sobra kong pangarap ‘yun for Vice na magkaroon siya ng anak kasi sabi ko sa kanya mag-iiba ‘yung perspective mo in life, look mo in life kapag may anak ka. Mabubuhos ang atensyon mo, nandiyang iingatan mo lalo ang sarili mo kasi gusto mong maabutang magka-apo ka sa anak mo,”

Ginawa niya ring halimbawa ang negosyanteng si Joel Cruz na nagkaroon ng walong anak sa tulong ng siyensya

Hindi pa nagbibigay ng komento si Vice kung handa na nga ba siyang maging isang ganap na magulang.