Home Entertainment Kapuso Actress Na Si Gabbi Garcia Naglatag Ng Isang Community Pantry Sa...

Kapuso Actress Na Si Gabbi Garcia Naglatag Ng Isang Community Pantry Sa Paranaque City

Ang mga Pinoy ay hinahangaan ng iba’t ibang mga lahi dahil sa oras na kinakailangan ng pagtutulungan ay talaga namang umaapaw ang pagbabayanihan. Kaya naman sa panahon ng krisis ay mas lalo pa ngang pinatunayan ng marami nating mga kababayan kung paano isinasagawa ng mga Pilipino ang bayanihan sa Pilipinas.

Iba’t ibang mga pamamaraan nga ang ginagawa ng mga Pilipino para lamang makatulong sa iba nilang mga kababayan, maliit man o malaki, ay talagang ipinakita nila ang kanilang kakayahan na makatulong sa mga kababayang labis na naapektuhan dala ng krisis.

Kabilang na nga sa mga naging patok ngayon na ginagawa ng marami nating mga kababayan para tumulong sa ating kapwa na kinakapos ngayong krisis ay ang pag-organisa ng isang community pantry sa kanilang lugar, barangay man ito o bayan.

Sa iba’t ibang dako nga ng ating bansa ay padami na ng padami ang mga nagtatayo ng community pantry, at kabilang na nga sa mga nakipag kaisa dito ay si Gabbi Garcia, isa sa mga kilalang Kapuso actress at isa ring vlogger.

Makikita nga sa Facebook Page ni Gabbi noong ika-12 ng Abril ang naging pagbabahagi niya ng ilang mga larawan na kuha sa ipinatayo niyang community pantry sa lugar nila sa BF Northwest, Paranaque City.

At katulad ng ibang makikita natin sa ibang mga community pantry ay mayroon nga itong iba’t ibang mga laman, kagaya na nga lamang ng libreng bigas, canned goods, gulay at may pa free ice cream pa ang aktres sa community pantry niya.

Ayon nga kay Gabbi, ibinahagi niya sa kanyang social media ang ipinatayo niyang community pantry, upang magbigay inspirasyon sa lahat, na sa kabila nga ng maraming mga pagsubok na kinakaharap ng marami sa atin ngayon ay maari pa rin tayong makapagbigay tulong sa iba kahit sa maliit na paraan lamang.

“Posting this with nothing but pure and good intensions [white heart emoji] this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way”, ang naging post ni Gabbi.
Pinasalamatan nga din niya ang lahat ng mga tao na tumulong sa kanya, lalo na ang nagbigay donasyon para maging matagumpay ang isinagawa niyang community pantry.

“Thank you to our small community for making this possible! Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations.” “May God bless you more! To all the community pantries, SALAMAT SA INYO!!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtutulungan [praying hand emoji][red heart emoji]”

Si Gabbi Garcia o sa tunay ngang buhay ay Gabriella Louise Ortega Lopez ay kilala ng publiko bilang isang mahusay at hinahangaang actress, mang-aawit, modelo at vlogger. Maliban nga sa kanyang mga proyekto sa telebisyon, ay abala na rin si Gabbi ngayon sa pag-gawa ng mga nakaka-aliw at nakaka-inspire na video vlog para sa kanyang YouTube channel na higit isang milyon na nga ang mga subscribers.