Home Entertainment Isang mabuting netizen, walang alinlangang isinauli ang napulot na susi ng sasakyan...

Isang mabuting netizen, walang alinlangang isinauli ang napulot na susi ng sasakyan ng isang babae, hinangaan sa kanyang katapatan

Sa gitna ng p@ndemiya, may mga tao pa rin talagang gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa. Kahit na naghihikahos sa buhay, hindi nila naiisip ang gumawa ng masama. Ang mahalaga sa panahon ngayon ay ang pagtutulungan ng bawat isa. Sa simpleng katapatan ay sapat ng tulong na maibibigay natin sa ating kapwa. Katulad na lamang ng isang lalaking nakapag-suli ng isang susi ng sasakyan na kanyang napulot.

Ibinahagi ng netizen na si Ces Bagunu, ang kanyang karanasan ng nawala ang susi ng kanyang sasakyan. Ayon kay Ces, bandang alas otso raw ng umaga ay nawala ang susi ng kanyang sasakyan. Hindi daw niya ito namalayan na nawawala dahil sa dami ng kanyang mga dala. Noong hapon na sasakay na siya sa kanyang kotse, doon niya lang raw napansin na nawawala ang kanyang susi.

At laking gulat niya na lamang ng may nakita siyang isang sulat na nakaipit sa windshield ng kanyang sasakyan mula sa taong nakapulot ng kanyang susi.

Imagine, kahit sobrang hirap ng buhay ngayong pandemic, some people still choose to do the right thing — to help others,” aniya pa. Kaya naman labis ang naging pasasalamat ni Ces sa taong iyon, dahil hindi raw nito naisip na nakawin ang kanyang kotse. “Sobrang dali itakbo ng sasakyan, nasayo na susi and all tapos nasa open parking pa,” dagdag pa ni Ces. Mabuti na lamang na isang mabuting tao ang nakapulot ng susi ng kanyang kotse.

Mas lalo pang humanga si Ces sa taong iyon, dahil nang inalukan niya ito ng pabuya bilang kanyang pasasalamat ay agad daw itong tumanggi. “We want to give him a token of appreciation sana, pero he politely declined and pasalamat nalang daw kami kay Lord,” wika pa ni Ces. Kung kaya’t labis na lamang ang kanyang naging pasasalamat sa kabutihang ipinakita ng taong nakakita ng kanyang susi.

Ang sarap sa pakiramdam na may mga mabubuting tao pa rin ang nakakagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa. Sila ay nagiging inspirasyon ng marami sa kabila ng ng hinaharap nating p@ndemiya.